CHAPTER 16
Isang buong linggo na ang lumipas at kung dati nasa lower mission lang ako at nakakalabas labas pa ako kahit na madali lang ang mission eh ngayon wala na talaga. Hindi ko din alam kung bakit pero basta lahat ng missions para sakin na cancel. At iyon nga ang pinagmu-mukmok ko kanina pa.
"My loves, gawan mo ng paraan!"
Tinignan lang ako ni Warren tapos nagsalita habang nakatingin pa rin siya sa tablet na hawak niya; nire-review niya ang mga moves ko kanina sa training."Si daddy ang may utos."
"Eh ikaw naman ang boss ngayon ah?"
"Syempre si Daddy pa rin ang number one."
"MY LOVES! Sige na please!"
Umiling na lang siya at sinenyasan ako na gumitna sa mat. Napasimangot ako ng bumaba na naman ang mga glass wall, kanina ko pa ginagawa ‘to.
Habang nandito ako sa loob ng glass wall, kailangan kong magawan ng paraan para makalabas sa pamamagitan ng pag akyat sa pagkadami-daming boulders. Hindi ako pwedeng gumamit ng tali at walang kahit na anong gadget, ang meron lang ako ay ang suot kong safety cord na tali para kapag nahulog ako.
Kanina natapos ko na to ang kasi pinapaulit sa akin ni Warren ang third level.
Ang second level kasi binuksan nila ang 'Horizon', na ang ibig sabihin ay ang mismong kinalalagyan ng mat, binubuksan iyon dahil ang sa ilalim non ay may tubig na lagpas sa akin.
Kadalasang ginagamit lang iyon bilang training sa underwater battle at sa pag gamit ng 'Motion' o baril na ginagamit sa tubig. We have 'special motion' na ginagamit namin dito para hindi kami mag kasakitan.
Ilang minuto ako nandoon ng nakatali sa isang pole. Nagawa ko na naman kaso pagkatapos ng ilang try dahil halos mawalan na ako ng hininga.
lAnyway, sa third level walang tubig na involve at ang kailangan ko namang gawin ay pumasok sa masikip na tube na kasyang-kasya lang ako then I need to find my way out na hindi na-aactivate ang alarm.
Napabuntong-hininga ako ng inilagay na naman ako sa isang tube. "You know I really hate this part, pwede bang iba naman?"
Hinga ako ng hinga dahil feeling ko kahit wala akong claustrophobia eh magkakaroon ako.
"Mas mahirap ang next kasi ilalagay sa tubig ‘tong tube."
My gulay! What's happening to the world?
Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na square device. Ang 'Clone' na halos hindi ko makuha dahil sobrang sikip ng kinalalagyan ko. Idinikit ko ang Clone sa itaas ko. Panigurado akong sa labas nito ay nandoon nakalagay ang alarm.
Now this is the hardest part since hindi ko alam kung ano ang code. I need to hack it. I pressed some keys on the Clone tapos may mga lumalabas doon na mga pula na dapat kong ayusin.
Napangiti ako ng may marinig akong mahinang click. Bigla na lang sana akong lalabas dahil gusto ko nang istretch ang katawan ko ang kaso bigla akong nakarinig nang mga paputok ng baril.
Hindi pa pala tapos.
"Parang pinag ti-tripan niyo lang ako eh?" naiinis na sabi ko.
"This is part of the training."
Lupit nang training, lahat siguradong susuko dito. Nag pagulong gulong ako habang nasa loob parin ako ng tube at nang nasa malapit na boulder na ako ay nagmamadaling lumabas ako at nagtago roon.
"Sinong kalaban ko?"
"You need to find out."
Anong klaseng sagot yon? Anyway, walang hologram which means puro automatic gun lang. Magkakasunod na putok ang pinakawalan ko ng may makita akong dalawang baril na biglang sumulpot sa taas ng glass wall, ang kaso hindi natinag iyon.
Nakasimangot na tumakbo ako paalis, hindi effective kapag ang baril ang gamitin ko so obviously yung main dapat ang patamaan ko.
Nagmamadaling kinuha ko ang tube at pinangharang ko sa mga bala na tatama sa’kin, umakyat ako sa isang boulder at inihagis ko iyong tube sa pinaka gitna ng glass wall kung saan may malaking pulang ilaw doon.
Napatawa ako ng nanlaki yung mga mata ni Warren at ni Kael na nanonood, paano bumaba lahat nang glass wall at namatay din ang mga ilaw sa loob nitong training room.
Pinakamain na ata talaga ang tinamaan ko, "Damn. Ako na naman mag aayos niyan." Pag angal ni Kael.
Ngumiti ako. "Serves you right."