CHAPTER 12
RIP ANTHONY WALTERS
and
CAMILLA WALTERS
Shit. "Damn it! Si Lourdes ba talaga ang pumatay?"
"No, feeling ko hindi. It's too obvious. Siya ang idinidiin. Sa mga notes, halatang siya ang puntirya.”
Nagsimula kaming maghanap ng information sa loob. Ang gulo.
Imposible talaga na si Lourdes eh, dahil kung siya ang pumatay, bakit niya pa paiimbestigahan? Eh di binigyan niya din ang sarili niya ng problema.
Nakahanap kami ng mga sira-sirang damit. Pagkain na halo-halo na at magulong mga gamit. May mga basag na baso, bakas ng dugo, mga strands ng buhok na ang dami. Hindi kaya buhok ‘to ni Camilla?
"Ang weird lang."
"Tama. Magpakalbo din kaya ako? Para walang nakaharang—"sabi ni Autumn. Pinutol ko ang sasabihin niya."Wag—"
"WAAAAAAAAAAAAG!" Napatingin kami doon sa biglang sumigaw.
Si Wynd.
"OA lang?" Namula siya at tinalikuran na kami. Nagkibit balikat ako at nag-start na kami ulit na maghanap ng kung ano-ano. Napabuntong hininga ako nang wala paring sense ang mga nakikita namin. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kael.
"Hello?"
"I-connect mo ako kay Lourdes."
"Got it.”
Nag-intay ako saglit pagkatapos ay may narinig na akong ring sa kabilang linya. "Hello?"
"Lourdes, this is agent France. Gusto ko lang sabihin na right now, you’re the top suspect for killing Camilla and Anthony Walters."
Nanlaki ang mga mata nila Warren at napa 'what the hell?!” Hindi ko na sila pinansin. Narinig kong may bumagsak sa kabilang linya.
"W-what did you say? P-Patay na ang kapatid ko?"
"I'm sorry to say this, pero time is important for us. I don’t have time for dramas. I need an answer. And please answer me honestly dahil kung may itatago ka hindi ka namin matutulungan."
"O-Okay."
"First question, pumupunta ka ba dito after mawala si Camilla?"
"No. That house have too much memories na ayoko nang maalala."
"Pamana ba ‘to kay Camilla ng magulang niyo?"
"Sa amin, pinamana sa amin. We love that house."
"May napansin ako, bakit walang mga photo albums dito?"
"Ano... kasi..."
May tinatago si Lourdes. And I'm sure of it. "No lies please, bakit walang photo albums?" Pag uulit ko ng tanong.
"Kasi may nakaraan ang pamilya namin. Nanatiling lihim iyon mula nang mamatay ang parents namin."
"What is it? Anong sikreto?"
"Hindi ko pwedeng sabihin."
"Okay, I understand. So we'll consider this mission close." Ibababa ko na sana ang phone pero narinig ko ang boses niya.
"Yes?"
"M-may kapatid kami, si Analie. Bunso namin siyang kapatid. Magkakasama pa kami sa bahay na ‘yan. Isang araw dinala ni Camilla si Anthony, ipinakilala samin. I know Anthony, siya ang ex-boyfriend ko noon na naiwan ko sa probinsya dahil umalis na kami. Mahal ko pa siya pero mahal ko din ang kapatid ko."
"And?"
"Ilang beses pumupunta si Anthony sa bahay. At si Analie, na-inlove siya kay Anthony. Ilang beses siyang nagtangkang akitin si Anthony pero mahal niya si Camilla. And then, isang araw muntik madisgrasya si Ate pero nailigtas siya. Ilang beses siyang muntik lasunin at sa everytime na mag fe-fail ang pagpatay sa kaniya, napapansin namin ng parents ko ang pagbabago kay Analie."
Tinignan ko sila Warren na nakikinig din. Naka-loud speaker na ang phone ko.
"Nang hindi siya mag tagumpay sa lahat ng ginawa niya, sinubukan niyang patayin si Camilla sa bahay na ‘yan. Nagwala siya. At sa huli, si Mama at Papa ang napatay niya dahil niligtas nila si Camilla. Kahihiyan ang nangyari sa pamilya namin. Marami kaming kamag-anak ang nagsabi na dalin namin sa mental institution si Analie, at sa tingin namin, kailangan din naming gawin ‘yon para sa ikakabuti niya."
"And what happened nang mailagay niyo siya doon?"
"Nagtagal siya doon. Ayaw niyang magresponse sa mga paraan na ginagawa ng doctor para gumaling siya. Ang sabi ng doctor, she keeps on murmuring 'lahat kayo, lahat kayo mawawala. Tutulungan ako ni Phil, tutulungan niya ako...' iyon lang ang sinasabi niya."
"Who's Phil?"
"Her friend."
"Nasan na si Analie ngayon?"
"She died."
"What?!"
"Yes, she died. Nasunog ang mental institution."
Bahagya kong inangle yung muka ko sa left side ko. "Saglit lang, hold on."
Saktong sumigaw sila Warren, dumapa ako. Sumipa ako sa likod ko kahit hindi ko nakikita.
May tinamaan ang paa ko. Lumingon ako. May isang magandang babae na gulo gulo ang ayos. May mga sugat, mga hiwa na sa tingin ko ay self inflicted. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya na parang zone out. Walang buhay.
"A-anong nangyayari?"Alalang tanong ni Lourdes sa kabilang linya.
Sinipa ko ulit ang babae nang susugod na naman siya sakin. Napatingin ako sa wall na may naka-cross out na mga mukha. Mukha ng isang dalawang may edad na mag asawa, malamang ang mga magulang nila Lourdes. At si Anthony at Camilla. Kay Lourdes na lang ang wala, pero lahat ‘yon may date at oras. Ngayon ang date ng kay Lourdes.
6:00 pm ang nakalagay kay Lourdes. 5:40 na."San ang address mo?" Narinig kong may sinabi si Lourdes. Dali-dali ko iyong sinulat at ibinato kay Wynd.
"Fall and Cyclone, you need to go there. She'll get killed at exactly 6:00."
"A-Anong... anong nangyayari?"
"Isarado mo lahat ng bintana at pinto. May kasama ka ba?"
"Wala."
"Then grab anything that can protect you right now."
Nakita kong tumakbo na palabas sila Autumn at Wynd. Si Warren naman ay lumapit kay Analie.
"I-I'm holding it now."
"A knife?"
"No... a Bible."
Hindi ako kumontra. I may have killed a few— and will not hesitate to kill if I have to. Pero naniniwala ako na kung may pinakamalakas man na weapon sa lahat, ang Diyos ‘yon. A weapon that's not meant for hurting... or killing.
The great Savior. Our Savior.
We really need a miracle for Lourdes now. Malayo ang bahay niya at konting minuto nalang ang natitira.
"I'm sorry, it seems na mag fe-fail kami."
"Don’t be sorry. Ang mahalaga ay alam na natin kung anong nangyari kay Camilla. Siguro magkikita narin kami...pati na ng parents ko."
Sinipa ko ulit si Analie nang muntik na niyang kalmutin si Warren. Inabot ko ang earpiece ko at kinoneck sa phone. I press some keys sa BH Phone ko para ma-conect din iyon sa micky ko. Para mas madali kaming magkausap.
"Hide."
"Okay."
Sinubukan naming talian si Analie. Pero malakas siya and she keeps on struggling.
"Isasama ko kayo! Mamatay din kayo! Isasama ko kayo sa kanila." Paulit ulit na sigaw ni Analie saka tatawa ng parang baliw. Hindi pala parang. Baliw siya talaga.
"That would be impossible, dear. Infairness to you, nakapagpatayo ka pa ng ganitong lugar. Saka may tomb pa."
Tumawa siya. "Maganda ba? Ginawa ‘to ni Phil para sa’kin. Kasi mahal niya ko. PERO AYOKO SA KANIYA! GUSTO KO SI ANTHONY!"
"Choosy ka pa. Pasalamat ka nga may nagtiyaga pa sayo. Sobrang pagmamahal naman ata ‘yon. Tama ata talaga ang kasabihan na ang pag ibig ay nakaka baliw... contagious pa."
Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko dahil napasabunot siya sa ulo niya. Tatalian ko na naman sana siya ang kaso siniko niya ako dahilan para tumama ako sa tomb. Tumayo ako at sinampal siya. She started to laugh again. "Mamamatay kayong lahat! Katulad ng lugar na ‘yon! Sunog... sunog...” Siya ang sumunog sa mental institution?
"France,’ wag mo nang patulan.”
"Delikado ‘yan. Kailangan nating patahimikin."
"We can’t kill her, France!"
"Agad agad lang loves? Hindi naman patayin ang ibig kong sabihin. Wala pa naman akong dalang syringe."
I brace myself nang tumayo si Analie. Sumuntok siya pero nailagan ko ‘yon. May piece siya ng glass na hawak at nahagip ako noon sa braso. Itinulak ko ang kamay niya kahit na hinihiwa na din nito ang palad ko. I grab her then binalibag ko siya. "Masakit ‘yon, dear Analie.”
Tumayo siya ulit. Umatras ako ng bahagya para kumuha ng bwelo at pagkatapos ay sinuntok ko siya. Tinodo ko na.
"Damn it! ang sakit ng kamay ko." Daing ko. Tinalian ko si Analie na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.
MAy narinig akong sumigaw. Si Lourdes. "Lourdes?"
"M-may tao. May lalake."
"Nasaan siya?"
"N-Nasa... nasa k-kabilang room. M-Magtatago ako sa ilalim ng kama—"
"No. Kumuha ka ng lampshade or anything. Kapag pumasok, ipukpok mo. Kapag nagtago ka sa ilalim ng kama that will leave you helpless."
Rinig na rinig ko sa LD ang pagbukas ng pinto. Kasunod ng sunod-sunod na paghampas at isang pamilyar na boses na sumisigaw. "Aray! Saglit po!"
Sunod sunod ang palo na narinig ko. Tapos may sumigaw na babae."Tama na yan, Miss! Hindi po siya kalaban! Nandoon na sa labas! Easy po! Kahit mukhang criminal ‘yan, hindi po siya criminal."
Si Autumn. At si Wynd na mukhang pinalo ng lamp shade ni Lourdes. "Lourdes, amm it's okay. Mga pulis sila."
"P-pulis?"
"Oo. You’re safe now."
Miracle. Thank you again God.
"Akina ‘yang kamay mo." Sabi ni Warren. Inabot ko sa kaniya ang kamay ko. Tinalian niya ‘yon ng panyo, pagkatapos ay niyakap ako.
Thank you po ulit God. Magpapakabait pa po ako para may libreng hug ulit ako kay Warren. Sana po next time kiss ulit ha?