Wala sa sariling nayakap ko siya sa sobrang tuwa. Panandalian kong nakalimutan na nasa school pala kami at wala sa unit. Baka siguro kumandong pa ako sakanya kung nasa unit kami. "Totoo? Hindi nga?" paninigurado ko. Malay ko bang pinagloloko pala ako. "Hindi ako matutuwa kapag sinabi mong biro lang. Malilintikan ka talaga sa'kin." "I'm not joking, Bea. Base on my analyzation, your answer is accurate." Seryosong sagot niya. Nahihimigan ko sa boses niya ang tuwa. Naramdam kong gumapang ang kamay niya sa hita ko at pinisil iyon at hinaplos. I know he's proud of me kahit hirap na hirap akong i-solve iyon. Ikaw ba naman ang bigyan ng panibagong formula na hindi alam kung saan napulot. Isang problem nga pero pamatay naman. Kumalas agad ako mula sa pagkakayakap sakanya nang mapansin kong nak

