Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Nikko and with his newly bought motorbike, madali na lang kami makapunta ng school. Bukod doon, hindi ko inexpect na papansinin ako nila Ella at Nadine sa kabila ng nangyari kahapon. "I'm sorry for what I did yesterday, Bea," nanubig ang mata niya habang nakahawak sa kamay ko. "Nagalit lang, hindi naman siguro masakit iyong sampal?" hilaw siyang ngumiti. Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Gaga, okay lang. Hindi naman gaano kasakit." Nakaupo sila pareho sa harap ko. Si Nadine na nakahawak sa kaliwang kamay ko habang si Ella ay sa kanan, naglilikot ang mata at nanggigilid ang luha. "Sigurado ka ha?" nagpunas siya agad ng luha. "Para naman tayong mga tanga nito." Pareho kaming napatingin ni Nadine kay Ella nang bigla siya humagulgol. "Bakit ba naman k

