Nikko was trying to hold my hand from the back pero iniwas ko 'yon at humalukipkip. Narinig ko ang pagbuntong-hinga niya na animo'y hirap na hirap. Hanggang ngayon ay dinadaga pa rin ang dibdib ko sa nakita at sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko. The guilt of hurting him dahil sa mga sinabi ko kahapon, iyong nakita kong pagpulupot sakanya ng babae at kung paano niya hayaan lang iyon. "Bea, okay lang naman siguro na sumabay sila?" nahihimigan ko ang kaba sa boses ni Nadine. "Do I have choice kung nandito na sila?" hindi ko maiwasan maging mataray at tingin ko maiintindihan naman iyon ni Nadine. "Bea, wala naman masama sa pagsabay," Ella chimed in. "Mukhang kilala mo rin naman sila saka kaklase natin si Nikko. Bakit kailangan ipagtabuyan? Ayaw mo no'n makaka-bonding natin ang nonch

