Chapter 49

1540 Words

Ang bigat ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos no'ng sabihin ko iyon na alam kong makakasakit sakanya. Nagbaba ako ng tingin nang bumagsak ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa siko ko. Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang mga kamao niya animo'y nagpipigil. Tama ba talaga 'tong ginagawa ko? Paano ko sasabihin sakanya ang totoo? "Ang sakit mong mahalin, Bea." Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. Parang may kung anong tumarak sa puso ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Nanlalamig ang mga kamay ko nang pagdaupin ko iyon at pinagpapawisan ng malamig. Hindi ko siya masisisi kung gano'n na lang ang sabihin niya. Kasalanan ko rin naman dahil sa biglaang pakikipaghiwalay ko sakanya. "Nikko..." tawag ko sakanya ngunit paglingon ko ay tuluyan na siyang nakalabas ng building.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD