Hindi ako umangkas sakanya bagkus ay naglakad ako pabalik sa unit. Alam kong nakasunod siya dahil sa ilaw ng motorbike niya. Patigasan pala ng ulo ang hanap niya, sige ibibigay ko iyon sakanya. Sinabi ko na ngang kamag-anak ko ang kikitain ko tapos a-attitude-an niya ako? Sinong kinakalaban niya? Kung ma-attitude siya, mas lalo ako. "Bea?" tawag niya sa'kin pero denidma ko lang. "Bea, please." Manigas ka dyan. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil ako sa tapat ng isang milktea shop. Deri-deritso akong pumasok ro'n at nag-order ng isa. After a few minutes, the waiter placed the large milk tea with a red velvet flavor on my table. "Thank you—" "Bayad na po iyan," sambit ng waiter na ipinagtaka ko. "Iyong boyfriend niyo po ang nagbayad." "Wala akong boyfriend," tiim-bagang

