Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang sakit at hapon na rin no'ng magising ako na parang naligo sa sariling pawis. Kumalam ang sikmura ko kaya napagpasiyahan kong kumain muna. Medyo hindi namn na masakit. Bumangon ako mula sa kama at inayos ang mga nagkalat na cellophane sa sahig. Ang laman lang naman no'n ay iba't-ibang tsokolate, iba't-ibang size ng compressor para sa puson, chichirya, napkin pads na whisper, jollibee at kung anu-ano pa. Tuloy ay parang nag-grocery siya. Pagkatapos kong ayusin lahat ay pinagpatuloy kong kainin iyong natira ko kanina. Hindi ako mayaman para magsayang ng pagkain at itapon na lamang. Kung si Nikko, okay lang, ako hindi. Magkaiba ang estado namin sa buhay. Kinuha ko ang lumang selpon sa bedside table at kinonek iyon sa speaker saka ko pina

