Liza POV "Liza ayos lang kung hindi mo masasagot ang tanong ko sa' yo, makapag hintay naman ako sa' yo kung kailan handa ka na," pahayag nito sa akin. Bigla naman tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa. Nagpaalam ito sa akin para sagutin ang tawag nito. Ang lakas ng t***k ng aking puso para bang may kabayo sa loob nito. Kailangan ko uminom ng tubig para mawala ito. Mabuti na lang may tumawag sa cellphone nito. Kaya naka lusot ako dito dahil kung baka mamula ako sa hiya. Ganun ako kapag wala akong masabi. Huminga ako ng malalim. Sabay hawak sa aking puso. Hindi ako pwede magpaligaw dahil hindi ko pa lubusan kilala ang lalaki. "Ma'am, ayos lang po ba?" tanong nito sa akin. Hindi ko nakita nasa likod ko na pala ang babae habang may hawak itong panlinis. "Oo, ayos lang ako medy

