Chapter Three (Part One): De Javu

1228 Words
[March 8, 2005, Unknown Location] "Masakit pa ba?" Nabaling ang tingin ni Hanzel sa kaniyang mga kaibigan habang ginagamot nila ang isa't-isa. Sa kanilang apat, siya lang yata ang kayang magpabugbog kahit ilang beses pa. Sa bagay nasanay siyang binubogbog nang nasa amponan palang ito. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at naglakad patungo sa direksyon ng mga kaibigan. "Ako na." Umupo siya sa harap ni Judy at ginamot ang pasa at sugat nito sa mukha at sa kamay. "Pasensya na." Napatigil si Hanzel sa kaniyang ginagawa at nilingon si Hanes na nakatungo sa sahig. Hindi niya na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang paggagamot. "Sorry kung hindi kami nanalo." Hindi niya pa rin ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Alam niyang masama ang loob ni Hanes maging sina Yvonne at Judy sa kanilang sarili. Sa kasalukuyan, ang grupo nila ang panghuli sa talaan. Pero hindi naman importante iyon, ang gusto lang naman niya ay ang kaligtasan ng tatlo. Nabalot ng inis ang buong pagkatao ni Hanes at hinubad ang sapatos nito sabay bato kay Hanzel. "Bingi ka ba?" Nilingon ni Hanzel ang kaibigan at ngumiti lang. Ikinuyom ni Hanes ang kaniyang kamay at malakas na hinila patayo si Hanzel. "Teka! Hanes sandali! Kumalma ka nga!" Sigaw ni Yvonne dahil sa pagkabigla. Ngunit hindi ito pinansin ni Hanes at pinagpatuloy ang paghawak sa damit ni Hanzel. "Hindi ka ba galit? Alam ko'ng nagugustuhan mo na rito dahil sa isang banda gusto mo naman yung mga ganito pangyayari! Yung may labanan at binubogbog ka diba? Hindi ka ba galit na hindi ka nanguna sa talaan dahil sa amin?" "Bitawan mo ako." Bakas sa boses ni Hanzel ang galit at pagkainis. "Ano namang paki alam ko sa talaan?" Malakas na sigaw niya kay Hanes na naging dahilan ng pagbitaw nito sa kaniya. Bahagyang umatras palayo sa kaniya si Hanes at yumuko. "Dahil alam ko na kahit ano pang pasukan mo, kahit anong klaseng kompetisyon ang nangyayari gusto mo na ikaw lagi ang nangunguna. Pero dito, nasa hulihan ka dahil samin." Bakas sa mukha ni Hanzel ang pagkagulat dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Oo, gusto niya ang laging nangunguna pero dito hindi. Ano bang hindi nila maintindihan? Lumapit siya kay Hanes at ikinuyom ang kaniyang kamao. "Saang parte ba ang hindi mo maintindihan ha?" Nagtatakang itinaas ni Hanes ang kaniyang ulo. "Anong ibig mong sabihin?" Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Hanes na naging dahilan ng pagka-upo nito sa sahig. "Hanes! Hanzel ano bang ginagawa mo?" Nag-aalalang nilapitan ni Yvonne at Judy si Hanes na kasalukuyang dumudugo ang bibig. "Sa tingin niyo may paki ako sa talaan rito? Sa tingin niyo gusto ko na manalo kayo at mabugbog para lang manguna? Sa tingin niyo ang pagiging numero uno lang ang nasa isip ko? Pwes hindi! Kung hindi niyo maintindihan na may paki ako sa inyo dahil sa masamang pakikitungo ko sa inyo! Putang ina naman! Saang parte ba ang hindi niyo maintindihan ha?" Gulat na nakatingin silang tatlo kay Hanzel na inilalabas ang galit at saloobin nito sa kanila. Dahil kahit kailan, hindi niya ginawa iyon at kahit kailan hindi niya gawain iyon. "Hanzel sorry." Paghingi ng tawad ng tatlo ngunit huli na para marinig niya. Mabilis siyang naglakad palayo sa kwartong kinaroroonan nila at naglakad ng walang patutunguhan. Sa nga oras na iyon gusto lang niyang kumalma at makalimutan ang galit na nararamdaman. Tumigil siya sa paglalakad ng mapagtanto na hindi na niya alam ang daan na nilalakaran niya. Naipikit nalang niya ang mga mata dahil sa pagkalitong nararamdaman niya sa sarili. "Gago ka talaga Hanzel kahit kailan." Galit at naiinis nitong pagkausap sa kaniyang sarili. Umupo siya sa sahig upang magpahinga at mag-isip. Gusto niya na munang pakalmahin ang sarili bago bumalik sa kaibigan. Kung yun ay alam niya ang daan pabalik. Huminga siya ng malalim at hinayaan ang sarili na humiga sa sahig. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa ginawa niya kanina. Dahil sa pagkainis niya kay Hanes at nasuntok niya ito. Aaminin niya na malakas iyon pero hindi naman niya sinasadya iyon. Hindi nga ba? Sa pagkakataon ito, kahit siguro pilitin nila ang mga nagtatrabaho rito na umalis sila ay hindi na pwede. Kung alam lang niya na ito ang mangyayari sa loob ng isang araw lang sana umalis nalang sila at bumalik sa kanilang dating buhay. Napabalikwas ng bangon si Hanzel ng makitang may lalaking nakatitig sa kaniya sa kabilang dulo ng pasilyo. "Anong kailangan mo?" Hindi niya iniwasan ang mga tingin ng lalaki at nakipagtitigan rito. Hindi naman yata nagtatagalog 'to. "Anong ginagawa mo rito?" Napataas ang kaniyang kilay dahil marunong naman pala ito magsalita ng Filipino ay hindi pa sinagot ang tanong niya kanina. Tsk. "Paki mo?" Tumayo siya at pinagpag ang kaniyang damit at tinalikuran ang lalaki. Bwesit. "I'm Christian Louise Dandoy." Itinaas niya ang kaniyang gitnang daliri bilang sagot sa tanong nito. Wala akong interes sa mga lalaki, pasensya ka. Tsk. Saang parte na ba 'to ng building? Ba't naman kasi ang laki? Aish. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at hindi na inisip kung saan man ako papunta. Naiinis na ako sa sarili ko. Ilang oras na ba akong naglalakad? Anong oras ba natapos yung laban kanina? Ah, anong oras nga ba yun? Teka. "AH! NAKAKAINIS BWESIT! BA'T BA KASI NAGPATULOY SA PAGLALAKAD KANINA! ARGH! ASAN NA BA AKO!? Kung hindi ba naman nakipagtalo sakin si Hanes edi hindi ako nawawala sa building na 'to! Ba't ba naman kasi ang laki nito? Putang ina sino bang guma- ah?" Napatigil ako sa pagsigaw nang makita ko ang pinsan ni Ms. Glynde na nanlalaki ang matang nakatingin sakin. Nakakahiya. Tumayo ako ng tuwid at hindi na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ano ba naman yan! Nakita pa tuloy ako! "Ah sandali hindi naman pala nakakaintindi ng tagalog yun! Tama!" Pagkausap ko saking sarili at malapad na ngumiti. "Ayos!" Akala ko mapagkakamalan na akong baliw! Hindi naman pala! Ang galing ko talaga! "Ayos ka lang ba?" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Anak ka ng engkanto! Huminga ako ng malalim at mariing pinikit ang aking mga mata at tumakbo ng mabilis papalayo sa kaniya. Bwesit! Akala ko pa naman hindi marunong magtagalog ang gong-gong na yon! "Sabagay matalino si Ms. Glynde kaya paniguradong matalino din ang gurang na yon! AH! NAKAKAINIS!" Hinihingal akong huminto sa pagtakbo at lumingon sa likuran. "Ayos hindi nakasunod." Umupo ako sa sahig at tumingala sa kisame at pilit pinapakalma ang paghinga ko. "Ang dami naman yatang nangyayari sakin ngayong araw na 'to?" Nang maging maayos na ang paghinga ko ay tumayo na ako sa pagkakaupo. Ini-inat ko ang mga kamay ko at humikab. Inaantok na tuloy ako. Ipinasok ko sa bulsa ng aking uniporme ang mga kamay ko at dahan-dahang naglakad patungong hagdanan. Sa pagkakaalala ko dito ako dumaan kanina. "Ilang floors ba meron ang building- anong?" Napatigil ako sa paglalakad nang may makasalubong akong babae. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan at nakaramdam ng panlalamig. Hindi sino yun? Mabilis kong nilingon ang babaeng naglalakad palayo sakin habang may binabasang papel. Unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang panlalamig ng katawan ko. Hindi maaari. Pero paano'ng? Hindi. Hindi. Hindi. Unti-unti kong nararamdaman ang pamamanhid ng katawan ko at ang pag-ikot ng paningin ko. Bwesit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD