Nagising ako nasa kama na ako at wala na si Faven sa bahay. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Ang sarap naman niya kasi yakapin e. Masakit ang katawan ko dahil sa training. Tinawagan ko pa si Faven para sabihin 'yon. Nilabas ko 'yong rant ko sa kaniya. As usual, days passed. Naging busy ako sa school dahil malapit na rin ang finals at siyempre naging busy din ako para sa monthsary namin ni Faven. "Fav, huwag mong kakalimutan ang ating monthsary celebration okay?!" Paalala ko. Pauwi na kami ngayon at medyo madilim na rin dahil late rin akong nakauwi dahil nagka-meeting sa school. "I know" tipid na sagot ni Faven. "Batiin mo ako dapat ng alas dose ng hatinggabi. Paunahan dapat tayo" "Uh...okay?" He wasn't sure. "Basta 12 am. Maghihintay ako ng pagbati mo. Kapag wala, hind

