“Hi! I’m Dr. Kourtney Domingo, Ms. Riya Dela Cruz,” pakilala ni Kourtney sa pasyente na dahilan kung bakit siya tinawagan ng isa sa mga nurse ng E.R. She just came out from her long surgery at dahil short staffed ang cardiothoracic department ay wala silang time para magpahinga ngayon. Inilahad ni Kourtney ang kamay sa harapan ng pasyente para makipagkamay dito ngunit mabilis ito na lumayo saka nakangiwi na tumingin sa kanya. “I’m sorry, Dr. Domingo but can you please sanitize your hands, first? Hawak mo kasi ‘yong chart at baka kung sino sino rin ang humawak niyan bago ka,” sabi pa nito. Ngumiti naman si Kourtney dito saka naglagay ng hand sanitizer sa kamay na nasa paanan lamang ng hospital bed. “I’m sorry, I have OCD kasi,” sabi pa ng pasyente niya na ikinatango naman niy

