“Susunduin ba tayo ni Atty Sanchez o mag-co-commute tayo?” dinig niyang tanong ni Kimberly. Sandali naman na tumigil sa pag-iimpake si Kourtney at hinarap ang pinsan na kasalukuyan na naglalakad papasok sa kuwarto nila. Kim holds her not so big belly nang makaupo ito sa sarili nitong kama. She’s wearing a white short-sleeve dress kaya visible ang baby bump nito. She’s already in her second trimester of her pregnancy at masasabi ni Kourtney na good job ang pinsan niya sa pag-aalaga nito sa sarili. “Susunduin,” tipid na sagot niya dito. Tumango naman ang pinsan niya at naupo sa kama nito saka pinanood siya sa ginagawa. “Anong oras?” tanong muli ni Kim. “After dinner daw eh, not sure. Basta tatawag na lang daw siya kapag malapit na siya,” sagot pa ni Kourtney at hindi na nag

