Napapikit si Avery nang maramdaman niya ang paglapat ng labi ni Red sa mga labi niya. Mahigpit siya na napahawak sa balikat nito nang magsimula itong gumalaw at marahan na kinagat pa ang ibabang labi niya. Naramdaman niya na humakbang si Red kaya otomatiko na humakbang siya paatras, hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng likod sa pader. Red lips start to move, sa una ay mabagal na tila ba dinadama ang malambot na mga labi ni Avery hanggang sa mapusok iyon na may kasama pang pagsupsop at pagkagat sa labi ni Avery. Mahigpit na napayakap si Avery sa mga balikat ni Red nang buhatin siya nito. Mabilis na ipinalibot niya ang mga binti nang magsimula itong maglakad habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan hanggang sa maramdaman ni Avery ang paglapat ng likod niya sa malambo

