CHAPTER 73 AND 74

2514 Words

#Duplikado CHAPTER 73     Nasa mansyon ako ni Dylan ngayon dahil pinapunta niya ako. Magkaharap kami ngayong nakaupo at nakahain sa mesang nasa gitna namin ang mga sari-saring pagkain na pinaluto niya sa on call cook niya na umalis na kanina pa pagkatapos magluto.     “Si Alexander?” tanong ko. Nagtataka kasi ako dahil wala siya sa paligid.     “Pinuntahan niya si Jerold.” Sagot ni Dylan na ikinaiwas ko nang tingin. “Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ka dito kaya nagpunta muna siya doon.” Sabi niya pa.     Napatango-tango na lamang ako. Muling tumingin kay Dylan saka ngumiti.   “Oo nga pala... Next week ay pupunta kami ni Alexander sa ibang bansa para i-file na ang divorce naming dalawa... medyo matagal rin kaming mawawala dahil doon.” Sabi ni Dylan na ikinatango-tango ko.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD