Chapter 12

4806 Words
(Third Person's POV) ITO na ata ang pinaka-busyng araw ni Jerlyn sa tanang buhay nya. Lakad dito, lakad doon ang ginagawa nya at halos lahat ng sulok ng bawat floor ng building nila ay napuntahan na nya. Hindi nya alam kung anong nangyari pero bukod sa tambak na trabaho ay meron pa syang mas malaking problemang kinakaharap sa ngayon. "Valerie, pakitawagan si miss Trinidad. Ask her about the venue that we booked last week, pakisabi na bibisita kami for tomorrow to check the place, okay?" Utos nya sa ka-trabaho habang may chine-check sya sa hawak na tablet. "Yes, Jerlyn. How about the other venue in Tagaytay? Yung resort para sa gaganaping debut? Should we settle the schedule for friday this week or should I move it?" Sagot naman ni Valerie na syang naglalakad kasabay nya kasama ang dalawa pang katrabaho na kapwa nagmamadali habang bitbit ang maraming folders at papel. Pumalatak si Jerlyn habang napapailing. "Wait, I'll check her schedule first. I'm sure na fully booked ang schedule ni miss Vassy so hindi ko alam kung—" Hindi naituloy ni Jerlyn ang sinasabi nya nang makita ang mga empleyado nilang nakakumpol sa gilid ng hallway malapit sa pinto ng opisina ng boss nya. Mga namumutla ito habang nag-uusap, ang iba ay napapa-iling pa habang nagsasalita at ang iba naman ay mukhang kinulang sa tubig at tulog dahil konti na lang ay lulubog na ang pisngi sa sobrang stress. "Anong nangyayari rito?" Tanong nya sa mga ito na agad naman syang pinaligiran. "Jerlyyyn! Ano bang meron? Ang tahimik ni miss Vassy, nakakatakot." "Yup. Kapag ganyan na tahimik lang si miss Vassy meaning hindi maganda ang gising nya sa umaga." "It's that day of the year. May isang araw talaga sa isang taon na tambak ang trabaho na sinabayan pa ng mainit na ulo ng boss." "She's in a bad mood, girl! Yun yon!" "Sinong hindi maba-badtrip 'te? Ikaw ba naman, ikakasal na dapat this week tapos biglang move na naman? Kung ako yon magwawala ako sa galit eh—" "What?" Awang ang labing tanong ni Jerlyn habang kunot-noong naniningkit ang tingin sa huling nagsalita. "Where did you hear that? Tsaka bakit pinagki-kwentuhan nyo ang personal na buhay ng boss natin? Sawa na ba kayo sa trabaho nyo kaya puro tsismis na lang ang inaatupag nyo?" Nagkatinginan naman ang mga ito bago nagsikamot ng ulo at nahihiyang iniwasan ang tingin ni Jerlyn. May gusto pa sana syang sabihin pero hindi na nya naituloy dahil lumabas ang isa pa officemate nila mula sa opisina ni Vassy. Hindi alam ni Jerlyn kung maaawa ba sya rito o ano, Namumutla kasi ang lalaki at pawis na pawis habang nanghihinang naglalakad patungo sa direksyon nya. "Jerlyn, kanina ka pa hinahanap ni miss Vassy." Pilit ang ngiting sabi nito na sinundan pa ng buntong hininga. "Ba't ganyan ang itsura mo?" Tanong nya rito habang pinapasadahan ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Ayos ka lang ba? If you're not feeling well you can go to the clinic." "Ayos lang ako. Medyo na-intimidate lang ako kay miss Vassy. Sobrang strict nya ngayon eh." Medyo nangiwi sya doon. Alam na alam nya na kasi kung anong klaseng intimidation ang sinasabi ng lalaki dahil ilang beses na rin nyang naranasan iyon kay Vassy. Hindi talaga biro ang mga ganitong araw, dito nasusubok ang pasensya ni Jerlyn. Bumuntong hininga na lang sya tsaka kinuha ang hawak na papel ni Valerie at yung mga folders na hawak ng dalawa pa nilang kasama bago nilingon ang mga ka-trabaho. "I'll deal with miss Vassy. Kayo naman ay magsibalik na sa mga stations nyo and ituloy ang mga na-pending na trabaho. No gossips, okay?" Utos nya sa mga ito. Sunod-sunod na nagtanguan ang mga ito bago nagmamadaling naglakad paalis. Isang malalim na paghinga ang muli nyang ginawa tsaka naglakad na rin patungo sa opisina ni Vasselisa. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at walang lingon-lingon sa direksyon ni Vassy na sinara iyon. Lumunok sya bago tuluyang naglakad papunta sa mesa nito. Magkasalubong ang kilay na nakaharap si Vassy sa laptop nito habang may hawak na iilang papel. Mukhang may ka-video call ito dahil suot nito ang isang earpiece. "I don't know what you're talking about, Nikolai. Did you call me just to ask about my personal life? Why don't you focus on developing new products or think of a new entertainment gig instead of pestering me?" Pasimpleng napatango si Jerlyn nang mailagay ang mga bitbit sa mesa nito. Si Nikolai pala ang kausap ng boss nya kaya medyo masungit ang tono ng boses nito. Business partner ito ni Vassy na nakabase sa Russia. Iyon ang isa pang negosyo ng amo nya na hindi alam ng karamihan, malakas ang kinikita ni Vassy doon pero si Nikolai na business partner nito ang nag-aasikaso ng lahat-lahat sa negosyong iyon. Ilang minuto pa ay basta na lang isinara ni Vassy ang laptop at padabog na tinanggal ang suot na earpiece tsaka asar na hinubad ang salamin bago hinilot ang bridge ng ilong. "What took you so long, Jerlyn?" Mahinahong tanong nito pero mababakasan pa rin ng pagiging strikta. "I need to see my schedule for this week because I have an important event in this coming saturday." "Sorry, miss Vassy. May chineck lang sa third floor." Anya tsaka iniabot ang tablet na naglalaman ng schedule ni Vassy. "What happened to Mr. Pangilinan? I heard he cancelled his last minute appointment with us regarding his twentieth anniversary coming this month. May naging problema ba?" Nilabas ni Jerlyn ang maliit nyang notepad. "Ang sabi nya ay may miscommunication raw between him and his wife. Mukhang may other coordinator na nakuha si Mrs. Pangilinan." "Remind me to call Mr. Pangilinan as soon as I get here in the office tomorrow. I'll talk to him myself." "Noted po, miss Vassy." Isinulat iyon ni Jerlyn sa hawak na notepad. "How about the venues?" "In-assign ko kay Valerie yung pag-contact sa owners para ma-inform sila sa pag-visit natin this week." "Good." Bahagyang ginalaw ni Vassy ang mga papel sa mesa. "Anong meron sa tambak na papeles na 'to? Is this for signing or for review?" "The one with the folders are for signing po then itong nga naka-stapler ang for review. This one came from Valerie, new design ideas po for the venues." "Alright." Tumikhim ito. "Kamusta ang mga tao sa production floor?" Biglang tanong ni Vassy. Natigil sa pagsusulat si Jerlyn tsaka dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Vassy na ngayo'y mariing nakatitig sa kanya. Prenteng nakasandal ito sa swivel chair habang naka-dekwatro at naka-krus ang mga braso sa ilalim ng dibdib. Hindi ito nakasimangot, ngunit hindi rin nakangiti kaya sunod-sunod ang naging paglunok ni Jerlyn. Ito yung mas malaking problemang kinakaharap ni Jerlyn, yung init ng ulo ni Vassy. Nagpakawala sya ng tipid na ngiti. "Uhm, they're fine. It's almost lunch na kaya they're trying to finish their tasks as much as possible." Tumango si Vassy. "Good to hear that. I hope busog na sila sa tsismis na nasagap nila tungkol sa'kin kaninang umaga." Walang naisagot si Jerlyn sa sinabing iyon ni Vassy. Bago kasi sya magpunta sa ibang floor ay narinig nya rin ang mainit na pagtatalo nina Vassy at Jerome thru video call kaya alam nya ang ikinaiinit ng ulo nito. Sino ba naman ang hindi magagalit? Ang wedding na higit na sa sampung beses na na-move ay naurong na naman kaya imbes na kasal na sa darating na sabado ay nailipat na naman sa susunod na buwan. Kaya ang mga empleyadong nakarinig kay Vassy kanina kasama na si Jerlyn ay talaga namang naaawa sa kanya. Napakamot na lang sya sa batok nya habang lumulunok. Nagkibit naman ng balikat si Vassy. "It's okay. No need to be worried, Jerlyn." Huminga ito ng malalim. "Hindi ko naman sila masisisi. Napalakas yata ng husto ang boses ko kanina habang nag-aalitan kami ni Jerome. I might be the laughing stock in the office right now." "That's not true at all! They don't laugh at you, miss Vassy. Pinag-uusapan ka nila kasi nag-aalala sila sayo and also naaawa rin pero hindi ka nila mina-mock. They know that sir Jerome is really a jerk." Pang-co-comfort ni Jerlyn dito. Bahagyang nangunot ang noo ni Vassy. "I think... being pitied is worse than being a laughing stock." Anya na nagpabato kay Jerlyn. "Oh..." Namula ang pisngi ni Jerlyn. "I'm sorry." Tipid na ngumiti si Vassy. Sinuot nyang muli ang salamin bago tumayo at naglakad palapit kay Jerlyn tsaka ito niyakap. Ikinagulat naman iyon ng sekretarya nya pero agad rin naman itong nakabawi at yumakap pabalik kay Vassy. "Thank you, Jerlyn. You're still with me mula trabaho hanggang sa mga kalokohan ko." "Of course, miss Vassy." Mahigit dalawang minuto silang magkayakap at nagkahiwalay lang nang bumukas ang pinto tsaka hinihingal at pawis na pawis na pumasok si Valerie. "Sorry sa istorbo miss Vassy but we have a new client." Bumuga ito ng hangin. "She said you know her so she wants you to directly assist her." "Who is it?" Sinilip nito ang hawak na papel. "Si miss Sabrina Devon?" Alanganin nitong sagot. Humugot ng malalim na hininga si Vassy bago nagpakawala ng sobrang gandang ngiti. Napalitan ng mga bulaklak at paro-paro ang background nitong kanina lang ay napapaligiran ng madilim na mga ulap. "Are you f*****g kidding me?" Saad ni Vassy na may napakagandang ngiti sa labi bago naglakad palabas ng opisina. Nagsulyapan sina Valerie at Jerlyn bago sabay na napalunok at sumunod sa boss. Malutong ang tunog ng takong ni Vassy habang naglalakad kaya napakamot na lang sa ulo si Jerlyn. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nya yung tungkol kay Sab dahil lagi nga syang updated sa lovelife ng amo nya. Isa sa pinaka-importanteng bagay na natutunan nila sa ilang taong pagta-trabaho ay dapat alam nila kung paano basahin ang mga reaksyon ni Vassy. Alam nilang mainit ang ulo nito kapag hindi ito ngumingiti, kapag ganitong panahon ay dapat maayos sila magtrabaho at dapat iwasan magkamali dahil kung hindi ay sila ang sasalo ng init ng ulo nito. Ngunit ang ngumiti si Vassy ng pagkaganda-ganda na para bang may mga anghel na nagsibabaan sa langit? Kapag ganyan ay dapat magsi-evacuate na sila, ang ibig sabihin kasi ng ngiti nya ay konting pitik lang ay mapuputol na ang pisi ng pasensya nya. Halos hilahin na ni Valerie si Jerlyn para lang makasabay sa lakad ni Vassy, ni hindi na nga namalayan ni Jerlyn na nakarating na agad sila sa ground floor sa may reception area kung saan nanghihintay si Sab. Isa itong rising star kaya halos lahat ay napapahinto at napapatitig dito, natigilan lang ang mga tao nang makita si Vassy na naglalakad palapit sa babae. Agad na tumayo si Sab pagkatapos huminto ni Vassy sa harap nya. Abot tenga ang ngiti nitong hinubad ang shades tsaka lumapit para bumeso kay Vassy. "Hello, Vassy!" Bati nya matapos bumeso. "Good afternoon, Sab." Nakangiting sagot ni Vassy. "What brings you here?" Inilabas ng babae ang pamilyar na calling card tsaka ipinakita sa kanya. Kitang-kita ni Jerlyn kung paanong nag-twitch ang sulok ng labi ni Vassy. "Jerome told me that you're an event coordinator so I asked for your calling card." "Oh, I didn't expect na you're committed and ikakasal na." "I didn't expected it either." Makahulugang sagot ni Sab kaya medyo naningkit ang mata ni Vassy. "Well, where's the lucky groom?" "He's busy." "I see. A busy business man, huh?" Bumakas ang pag-aalala 'kuno' sa mukha ni Vassy. "What kind of groom let's his future wife to prepare their wedding alone?" Tumaas ang sulok ng labi ni Sab na tila ba nang-aasar pero nanatili ang ngiti sa labi ni Vassy. "It's not like Jerome comes with you either and help you prepare your wedding." "Yeah, you're right." Maagap nyang sagot na para bang hindi sya naapektuhan sa sinabi nito. "Looks like we're sharing the same man after all." Doon nabura ang ngisi ni Sab. Hindi nya alam kung namali ba sya ng dinig o hindi, pero nagdulot iyon ng kaunting kaba sa kanya. "I'm sorry?" "Advance congratulations, Sabrina." Bati ni Vassy. Alanganin man ay sumagot pa rin si Sabrina. Iniangat nya ang likod ng palad para ipakita kay Vassy ang singsing na suot nya—which is kamukha ng ng engagement ring na suot ni Vassy. "Thank you. Well, as you can see we're getting married this year. Wala pang exact date pero we're getting there naman na." "Good for you. I hope that this marriage will serve as a leash to the both of you." Nangunot ang noo ni Sab. "Leash? What are you talking about?" Lumapit si Vassy kay Sab tsaka inabot ang nakalugay nitong buhok. Nagtataka namang nakamasid sa kanya si Sab, habang si Jerlyn at Valerie ay tahimik lang na nanonood sa gilid. Hindi nila gaanong naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa pero nararamdaman nilang intense ang topic dahil sa palitan ng tinging ng dalawang babae. "Oh, Sabrina, my dear..." Marahang sinuklay-suklay ni Vassy ang maalong buhok ni Sabrina gamit ang sarili nyang daliri. "I'll let you play more with my trash. I don't mind donating something na pinagsawaan ko na sa taong nangangailangan like you. Mapagbigay akong tao, never akong naging madamot except for one thing, honey." Hinaplos nya ang magkabilang pisngi ni Sabrina bago ito sinapo. Ilang segundo silang nagkatitigan bago nagpakawala ng kakaibang ngisi si Vassy na sinamahan pa ng matalim na tingin, bagay na hindi inasahan ni Sab dahil kilala nya ito bilang mahinhin at may mahabang pasensya. Sumagi bigla sa isip ni Vassy ang litratong ipinadala sa kanya ni Theo nitong nakaraang araw. Nakita ng kaibigan nya si Daks na kaangkas sa motor si Sabrina habang nakahinto sila sa stop light. Kitang-kita ni Vassy kung gaano kalawak ang ngiti ni Alexander sa litrato habang mahigpit na nakayakap sa bewang nya ang babae. Mas nadagdagan ang init ng ulo nya. "I don't share my toys." May diin nyang sabi, tinutukoy nito si Daks. "You can steal anything you want from me, but I'll never let you have my puppy." Naguguluhan man ay medyo umawang ang labi ni Sab. "You knew...?" "I knew everything." Tinapik-tapik nya ang pisngi ni Sab. "So don't provoke me, Sabrina." Anya sabay bitaw dito. Napakurap-kurap si Sab tsaka hindi makapaniwalang napasuklay ng buhok. Nakaramdam sya ng inis nang makitang bumalik si Vassy sa pagkakangiti na tila ba walang nangyari. "You sly, bitch." Bulong ni Sab. "Kaya hindi matuloy-tuloy ni Jerome ang kasal nyo dahil natatakot syang matali sa mapagpanggap na gaya mo." Umikot ang mga mata ni Vassy habang si Sab ay mas lalong naguluhan. Nagtataka sya dahil tila ba walang epekto ang pang-aasar nya rito. "He's a goddamn two-timing, misogynistic, workaholic son of a b***h that's why he can't marry me. He can't handle a vixen like me so he's settling for someone that he can put in the palm of his hands—which is sadly, you." "Why, you...!" "Thank you for picking up my trash, Sabrina. I appreciate you being considerate." Malakas na sabi ni Vassy para makuha ang atensyon ng ibang taong napapadaan. "Jerlyn, Valerie, kindly please escort Miss Devon out of the building. She needs another event coordinator for her upcoming wedding which I cannot accommodate due to my jam packed schedule." Hindi na nakasagot si Sabrina pero nanatili itong masama ang tingin kay Vassy. Galit man ay hindi naman nawala ang ngiti ni Vassy, dahilan para nag-aalalang lingunin sya ni Jerlyn. (Daks' POV) MALAKAS ang naging buntong hininga ko bago tuluyang sumubsob ang mukha ko sa yellow pad 'kong nakapatong sa mesa. Mahinang ipinadyak ko ang paa ko dala ng pagka-asar pero mas mukhang naaasar 'tong mga kasama ko sa mesa dahil sa sunod-sunod na mura nila. "Kapag hindi ka tumigil kaka-padyak dyan, sisipain ko 'yang pagmumukha mo." Pagbabanta ni Kyle pero napabuntong hininga lang ako ulit. "Bakit ba hindi nya pa rin ako kino-contact?" Nakanguso kong gumuhit ng heart sa papel kung nasaan yung nakalagay yung pangalan ko at ni Vassy na ginawan ko ng FLAMES kanina. Sumilip si Rose sa yellow pad ko tsaka umismid, taka ko syang tiningnan kasi umiling-iling rin sya eh. "Baka alam nyang bobo ka sa spelling ka na-turn off sya sayo tas ayaw ka na nyang kausapin ulit." "Anong bobo sa spelling?" Tiningnan ko ang papel. "Mali ba spelling ko? Flames, f-l-a-m-e-s! Tama naman ah?" "Tama yung word na flames, pero yung ibang words mali!" Hinatak nya yung papel ko tsaka hinarap kay Kyle. "Tingnan mo, Kyle. Spelling nya ng friends, f-r-e-i-n-d-s? Tapos yung affection, a-f-f-i-c-t-y-i-o-n? Pati 'tong married at soulmates na salita, mali spelling! Anong merried? Merried christmas? Sol mattes? Walang ganon, tanga." "Wow, edi ikaw na matalino!" "Bente kwatro ka na, hindi ka pa rin marunong ng spelling? Lovers lang yata itinama mong word." Sabat naman ni Kyle. "Ewan ko ba dyan, marunong naman sya mag-english pero hindi marunong mag-spelling." Si Rose. Dinilaan ko sila pareho at inirapan. "Nye, nye, nye. Inggit lang kayo kasi ako, may ganap sa life. Kahit side chick lang at least may connection kami ni Vassy, hindi kagaya nyong single—" "Kyle, tingnan mo 'yung drawing nya, pang-kupal talaga." Putol ni Rose sa sinasabi ko. Sinubukan 'kong agawin yung papel ko pero mabilis na nakuha iyon ni Kyle. Hindi maipinta yung mukha nya habang pinapasadahan 'yon ng tingin. Hindi ko alam kung nandidiri ba sya o naiinis. "Takte, et*ts ba yan?" Turo ni Kyle sa ibabang parte ng papel na may drawing ko. "Ano ka, high school student? Kadiri ka talaga." "Ang ganda ng drawing ko sa penguin at sisiw, pero yung et*ts ang napansin mo? Bading ka ba?" Nangingiwi nyang ibinato pabalik sakin yung papel. "Suntukan na lang, gusto mo?" "Teka, ako unang sasapak. Ni-drawing ako na penguin eh, pike daw ako maglakad." Anya ni Rose habang umaambang susuntukin ako. "H'wag mong tatamaan sa panga, baka ma-knock out." Sulsol pa ni Kyle. "Ahhh! Bakit ba pinagtutulungan nyo 'ko?" Naiiyak 'kong niyakap yung papel. "Akala ko ba kaibigan ko kayo? Bakit ginaganito nyo 'ko? Imbes na tulungan nyo ko sa problema ko eh mas dinadagdagan nyo pa." Nandidiri silang nagkatinginan bago muling sumimangot. Si Rose ay napakamot pa sa ulo habang si Kyle ay pumapalatak habang umiiling. "Bakit ba kasi hindi mo na lang puntahan ng diretso mamaya?" Anya ni Kyle. "Isa pa, mas inu-una mong problemahin ang babae kaysa sa exam mo. Imbes na mag-review, puro ka kalokohan dyan." "Paano kung magalit sya sa'kin, huh? Ang sabi nya—" "Edi h'wag! Ayaw mong maghintay, pero ayaw mo rin puntahan? Kung hindi mo pupuntahan ngayon, kailan pa?" Naiiritang sagot nya. Sasagot pa sana ako kaso sinalpak na nya sa tenga nya yung headphones na nakasabit sa leeg nya kanina tsaka bumalik sa pagbabasa ng makapal na librong bitbit nya. Si Rose naman ang nilingon ko para kausapin, ang kaso lang ay bumalik na rin sya sa pag-e-edit ng resume nya sa laptop. Ngumuso na lang ako tsaka ibinalik ang tingin sa yellow pad ko. Puntahan ko na lang ba? Hindi kaya magalit si Vassy sa'kin? Baka mamaya busy lang sa trabaho eh. "Di'ba may number ka ng secretary nya?" Biglang saad ni Rose. "I-text mo muna yung secretary nya, tanungin mo kung busy yung amo nya tas tsaka ka pumunta doon." Inilabas ko agad ang cellphone ko at ginawa ang inutos ni Rose. May punto naman kasi sya. Eh bakit ba kasi hindi ko naisip 'yon? To: Jerlyn (Sec. ni Vassyyy<3) Hello, good afternoon! Busy ba si Vassy? Ibabalik ko kasi sana yung ATM nya.| Tumapik-tapik ang mga daliri ko sa mesa, naiinip na naghihintay ng reply ni Jerlyn. Bumuga ako ng hangin tsaka binuklat ang textbook ko para mag-review ulit. May pasok na naman sa trabaho mamayang gabi, tapos may pasok rin mamayang alas-tres ng hapon. Ang dami ko pang kailangan asikasuhin pero si Vassy pa rin ang iniisip ko. "May gusto ka ba kay Vassy?" Sus! Tumatakbo lang sa isip ko ang isang tao, gusto na agad? Wala rin talaga 'tong si Rose eh— "Oh! Nag-reply yung secretary." Kalabit sa'kin ni Rose. Taranta 'kong inangat ang cellphone ko at sinilip yung reply nya. Napangiti ako pagkatapos basahin 'yon. From: Jerlyn (Sec. ni Vassyyy<3) Hello, good afternoon rin. :) Busy si miss Vassy 'till 5 pm but you can stop by naman daw ng mga 8 pm. She'll wait for you in the office. Ngiting-ngiti 'kong itinago ang cellphone ko tsaka nagsimulang mag-review para sa exam mamaya. Nakita 'ko namang nakataas ang kilay nilang pareho pero wala akong pakialam. May lakad ako mamaya at ayokong magmukhang stress kapag nagkita kami—wait, eh kung dalhan ko kaya sya ng pasalubong? Hmn... (Third Person's POV) NAGDADABOG ng makapasok sa loob ng condo unit si Sabrina. Sa sobrang inis nya ay hindi nya napigilang hindi ibato ang designer handbag nya sa carpeted na sahig, pati ang pares na suot nyang louboutin high heels ay ibinato na nya bago tuluyang nagsisisigaw sa inis. Hindi nya matanggap na pinagbantaan sya ni Vasselisa. Plano nyang asarin ito lalo na't nabalitaan nya mismo sa kapatid ni Jerome na naurong na naman ang kasal ng dalawa nito lang umaga dahil sa biglaang business trip ni Jerome, dahilan para mag-away ang mga ito. Iyon nga lang, hindi nya inasahan ang mga pinagsasabi nito dahil kilala nya itong kalmado at mahinhin. Ibang-iba ito kanina sa Vasselisa na matagal na nyang ino-obserbahan. "Who does she think she is?" Dinampot nya ang bote ng champagne na naiwan nya kagabi sa sala table at tinungga. "Don't provoke her? Why? Ano bang kayang gawin ng isang event coordinator lang?" Kuyom ang isang kamaong naupo sya sa sofa. Nagsindi rin sya ng isang stick ng yosi na nakuha nya mula sa nakakalat na mga piraso nito sa mismong sala table kung saan nya ipinatong ang paa nya. Saktong nag-ring ang cellphone nya kaya agad nya itong inilabas at sinagot. "Who's this?" "Are you out of your f*****g mind?" Galit na salubong ni Jerome sa kanya. "Why did you do that?" "Do what?" Nanghahamon nyang balik dito kaya sunod-sunod na mura ang narinig nya mula sa lalaki. "You went to Vasselisa's building and taunted her? You're even wearing the same ring that I gave to her three years ago! What are you thinking?!" "You're mad at me because of that? That b***h is toying us! She knew that we have an affair but she's still acting as if she didn't know anything!" Sigaw nya tsaka nagsimulang umiyak na parang bata. "Jeromeee, you promised to marry me! Sabi mo ako ang mahal mo! I gave you myself, I gave you my everything and I gave you a child but you're still not breaking up with her?!" "I didn't promised you anything, Sab! What happened four years ago is a mistake, ang sabi ko ay magbibigay ako ng sustento para sa bata which is what I'm doing ever since na ilabas mo ang bata. What else do you want from me?!" "I want you for myself! Mali ba yon?" "I cant give myself to you because I belong to Vasselisa, itatak mo yan sa kokote mo. I've been giving you money, sobra-sobra pa sa usual amount na para sana sa bata lang. Bakit ba ayaw mo 'kong tigilan?" "She knew about us, alam mo ba 'yon?" Ilang segundong tumahimik si Jerome bago sumagot. "I know. Nothing beats her intuition that's why I'm trying to do my best to get her trust again but you kept on breaking it. Ano pa bang dapat 'kong gawin para lubayan mo na 'ko?" Bahagyang natawa si Sab sa kalagitnaan ng pag-iyak nya habang umiiling-iling na para bang kaharap nya lang ang kausap sa cellphone. "Well, I just want you to know that there's one thing that you didn't know about her." "What are you talking about?" "She's f*****g someone else behind your back. She got a pet named Alexander Hernandez, a f*****g stripper and goddamn s*x worker." Malutong na natawa si Sab. "Looks like your wife-to-be is not so innocent at all, Jerome. Do you want a wife like that? A wife who spreads her legs to someone eight years younger to her?" Hindi sumagot si Jerome pero nakikita ni Sabrina ang galit na ekspresyon ng mukha nito. Mga kamaong nakakuyom sa galit na sinabayan ng malalim na pagkunot ng noo at paggalaw ng panga. Maya-maya pa'y namatay ang tawag kaya natatawang hinagis ni Sab ang cellphone sa kabilang sofa tsaka muling tinungga ang bote ng champagne. (Vassy's POV) "LET'S stop seeing each other." I said before he could even sit on the sofa. His innocent yet confused eyes were pinned on me while he's trying not to sit. "Uhm, sorry. Hindi ko gets?" Saad nya tsaka umayos ng tayo. I can tell that he's nervous just by seeing his fidgeting hands. Hindi rin umaabot sa mata nya ang ngiti nya at pakurap-kurap ang mata kaya napabuntong hininga ako. I knew it, I should have ended it last time. Tumayo ako sa office chair ko at lumapit sa kanya. Mukhang papasok pa lang sya sa trabaho nya, he's wearing his motorcycle jacket, pants, boots and some protective gears na first time 'kong makitang suot nya habang bitbit naman nya sa kanang kamay ang helmet at sa kaliwa ay isang maliit na paperbag. Ngunit kahit anong ganda ng damit ni Daks ay mas nakaagaw sa atensyon ko ang collar na suot nya. That's the collar that I gave him. He's still wearing it pala. Hindi ba sya nahihiya na makwestyon ng ibang tao kung bakit sya may suot na ganon? I sighed before reaching the collar on his neck and slowly removed it while staring back at him. Kitang-kita ko kung paanong namilog ang mga mata nya habang sinusundan ng tingin ang collar na tinanggal ko. "You don't need this anymore." Inihagis ko sa malapit na basurahan ang collar tsaka nakangiting inayos ang kwelyo ng jacket nya. "You don't need to wait for my calls or expect me to call you either. I don't want to see you again, Alexander." This is what I hate the most everytime na may sub ako. They tend to be clingy and act pathetic, alam 'kong magmamakaawa sya, magtatanong kung anong rason ko kung bakit ako nakikipaghiwalay, magagalit sya o kung ano-ano pang pwedeng gawin para lang maging reasonable ang pakikipag-hiwalay ko. I've seen it many times, I've heard everything already from my past subs and Alexander is way much younger than them kaya alam 'kong mas immature sya kaysa sa mga past relationships ko. Tumalikod na ako at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair ko. Pinagmasdan ko yung magiging reaksyon nya sa sinabi ko. I was expecting him to throw a fit or something, but unexpectedly, he just nodded as if he understand what I've said. "Oh, okay." He cleared his throat multiple times bago tarantang may kinapa sa bulsa. "Uhm, p-paano yung card mo? I... ipatong ko na lang ba rito or...?" "You can just leave it there on the sofa or on the coffee table. Kahit saan." Binuksan ko ang laptop sa harap ko para ipakitang busy ako at wala akong panahon para asikasuhin pa sya. I think he understood it already dahil inilapag na nya ang card sa coffee table tsaka isinuot ang helmet nya. He was about to leave when he suddenly stopped and glanced at me. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakasuot na sya ng helmet. "Uh, may... may nagawa ba akong mali?" He asked in a soft and confused tone at the same time. I just flashed my sweetest smile and shook my head. "Nothing." "May rason ba kung bakit ayaw mo na akong makita?" The photos of him that Theodore took last time flashed on my mind all of a sudden. Naka-angkas sa motor nya si Sabrina na suot ang jacket nya—which is the same motorcycle jacket na suot nya ngayon. Theodore caught them in the parking lot of the hotel where he's temporarily staying. He tried to follow them a bit hanggang sa restaurant kung saan kumain ang dalawa before going to another hotel. My eyes twitched after remembering those photos. Ang ganda kasi ng ngiti nilang dalawa doon, I can't help but to feel like s**t after seeing it. "I just simply don't want to play with you anymore, Alexander." Muli lang syang tumango tsaka tuluyang naglakad palabas ng opisina ko. At last, I did it. Doon lang ako nakahinga ng maluwag tsaka tila pagod na pagod na sumandal sa upuan ko. Hinilot-hilot ko ang sentido kong maghapon na sumasakit dahil sa sunod-sunod na mga pangyayari ngayong araw. I glanced at my phone that keeps on vibrating. I clicked my tongue in annoyance after seeing Jerome's name and face as the caller ID. "Men." I whispered before taking a sip on my iced coffee that Jerlyn ordered for me before she left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD