(Third Person's POV) "I'M sorry for just barging in like this, I have no time to notify you nor Charles about our unexpected visit." Hingi ng paumanhin ni Monica habang kasabay na naglalakad si Lance. Hawak-hawak nya ang siko nito bilang pag-alalay dahil mabagal lang maglakad ang lalaki dala ng hindi pa tuluyang nakaka-recover mula sa naging sakit. Si Monica na rin ang nagbitbit ng mga plastic bags na naglalaman ng mga pinamili nito sa palengke. Kanina pa nga pilit na inaagaw ni Lance mula sa babae ang mga ito pero hindi rin sya umubra. Tila mga tutang nakasunod sa amo sa likuran nya ang mga kababaihang kanina pa palihim na nagbubulungan habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Pinagbitbit rin sila ni Monica ng tag-iisang plastic. "Ay, ayos lang. Ako lang naman ang nasa bahay, si Cha

