Genesis Pov
This is the day of the fieldtrip we are waiting for. im so excited because i really want to go to historical places ever since. So i wake up early to prepare because 4 am were leaving here in tarlac exactly 3:30 ang arte ng pagkakaenglish haha wag niyo nang pansinin haha nakabihis na ako ng simpleng tshirt na black na may tatak na philippians 13 at black na jeans at pinatungan ko nang jacket na merchandise ng merrell twins .tapos pinaresan ko ito nang puting sapatos .Yung merrell twins vloger sila sa america syempre kambal sila twins nga dba haha wag ding shunga minsan. ang ganda ng mga content nila tapos ang adorable pa nila tignan ang cute lalo na si vannessa merrell cute cute nya lalo na pag lumalabas yung malalim na dimple niya hehe nakakatomboy kaya inaabangan ko tuwing tuesday ung bago nilang upload madaldal na ba ako haha tama na nga.
Saktong 4 ako nakarating sa school at kunti nalang pala kaming hinihintay mga tatlong bus gagamitin kasi medyo madami kaming archelogist ang course suot ko ung backpack ko sumakay na ako sa bus ng section namin at nakita ko si joceana at almiracle nakumakaway magkakatabi kami buti pang tatluhan yung upuan kaya kasya kami doon bago ako makarating kila joceanna malalampasan ko muna sila lucas bali katabi ni lucas si agape sweet nila ah may something cguro dto naka holding hands eh asa likod naman nya sila matthew at napatingin sa gawi ko si lucas at nagsmirk inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalalakad hanggang sa makarating ako kila almiracle.
"Gen i like your jacket saan mo nabili"tanong ni almiracle habang umuusog siya para may pwesto ako bali sa una ako ganto pwesto ako almiracle at joceanna sa tabi ng bintana.
"Gift ni mama sa akin to nung birthday ko merrell twins merchandise "saad ko sa knila at umupo.
"Ahh yung favorite vlogger mo"singit namn ni joceanna.
"Yhup"maikling sambit ko katulad ko naka tshirt at jeans din silang dalawa tpos rubber shoes then nakajacket din sila malamig eh syempre ano aasahan mo madaling araw mainit hahaha.
Wala nang umimik ni isa sa amin nang umandar yung bus at binabagtas patungo sa manila kaya nilabas ko muna ung eye mask ko para matulog gusto ko kasi madilim mas comportable ako pag ganun tsaka baka kuhanan pa ako ng epic pic nitong dalawa hahaha.at sinuot ko yung ear phone ko para mag music.
"Gen gising malapit na tayo"sambit ni almiracle naalimpungatan ako sa pang yuyogyog niya sa akin kaya tinanggal ko yung eye mask ko at tinignan yung oras 6 na pla.
"Saan na ba tayo"tanong ko sa kanila habang naghihikab.
"Asa manila na tayo sabi ni prof malapit na daw tayo sa intramorous kaya ginising na kita"sambit niya sa akin .
"Ahh okay"sambit ko at inalis ko na yung jacket ko kasi sigurado mainit na mamaya nakatanggal na din pla ng jacket yung dalawa at nag susuklay at nag liliptint na yung dalawa edi sila na hahhaha ang nagpapaganda pero gumaya naman ako kahit papano magkabuhay namin kunti ung mukha ko hinayaan ko nalang na nakalugay ung mahabang buhok ko.
"Okay class were here "anunsyo nang prof namin at tanda ng paghinto ng bus kaya nag ayos na kami.
"Pleasee behave class wala sana akong mabalitaan ng mga kabulakbulan nyo at katarantaduhan nyo dito college na kayooo pumunta tayong buo at buhay uuwi din tayong buo at buhay naiintindihan nyo class mag iingat kayooo im watching all of you enjoyyy sana may matutunan kayo "saad saamin ng aming prof natawa namin kami sa buo at buhay ni sir hahaha.
"Yes prof"sabay sabay naming saad.
"Lets go"yaya sa amin ng aming prof kaya isa isa kaming nag sibabaan.
Bungad palang namangha kami may nakalagay na intramuros sa tuktok tama nga ung nabasa ko na the moment you enter the walled city of intramuros you feel like a time machine has you brought back to the spanish colonial period in the philippines.at tama nga nung makapasok kami parang nasa past kami dahil sa aming nakikitang estraktura yung mga parang guard nakasuot sila ng pang sinaunang panahon ung suot nung guardia civil.
"Baka mapasukan yan ng langaw sa laki ng pagkakabuka"mapang asar na sabi ni lucas na bigla bigla nalang susulpot sa tabi ko kasama niya si agape na humagikgik dahil sa sinabi ni Lucas hayssstt ang tanga mo genesiss bat di mo namalayan na nakabukas yang bibig mo kaya agad akong nilamon ng hiya.
"Pake mo ba"ismid kong sabi sa kanya para matakpan yung hiya ko at nagtapangtapangan at umalis doon.
"Oh bakit nakabusangot yung mukha mo gen"nagtatakang sambit ni almiracle nahuli kasi sila kasi nagpipicture picture silang dalawa kanina sa likod ko.
"Wala tara na nga"tipid kong sabi sa kanila para hindi na sila magusisa.
Nagtipon tipon na kaming magkakaklase sa isang sulok hinihintay namin ang magiging tour guide namin hindi namin kasama si prof.Dahil may iba silang gagawin kasama yung ibang prof .andoon nadin ang mga ibang section siguradong hinihintay nadin ang kanilang ma aasign na magiging tour guide ilang minuto lamang dumating na yung magiging tour guide namin.
"Hello students im m*******e ako magiging tourguide niyo so lets start"pagsisimula ng tour guide tansya ko nasa mid 20 palang to dahil sa nakakabighani niyang ganda kaya hindi mapigilan ng mga kaklase kong tumitig sa kanya especially boys.
" The name of intramorous means inside the wall.For 400 years, Intramorous served as the center of the spanish occupation,originally build to be residence for Spanish government officials and their families.The native and chinese were not allowed to live inside Intramorous only the spanish elite and mestizos,the walls of intramorous were meant to protect the city for the foreign invasions.intramorous has been devastated by the battles,fires and earthquakes but has been survived the test of time"pagbibigay impormasyon ng aming tour guide.
Namataan ko din namang nakikinig yung mga kakalse ko dahil napaka interesting naman talaga ng kasaysayan ng intramorous. Di na talaga mawawala ang discrimination sa antas sa buhay at lahi kahit nung sinaunang panahon hanggang ngayon. Sa mata ng Diyos lahat tayo ay pantay pantay haysst.Sana parang ganito dun ung buhay nating mga tao parang intramorous na khit daanan man ito ng gyera,earthquake pero in the end makaka survive parin ito mananatili itong matatag kahit may bakas ito ng masalimuot na nakaraan.
Nagsimula na kaming maglakad at sinusundan namin yung tour guide namin.Una naming pupuntahan ang Palacio del gobernador habang naglalalad kami palinga linga kami sa paligid as in wow para ka talagang nag time machine sa sapanish colonial period sa bandang gilid may mga kalesa at may nagtitinda ng sorbetes.hindi rin namin maiwasan na hindi mapa ngiwi nila almiracle sa nakikita naming mag syota na naglalandian halerr education trip ito hindi landian trip.
Ilang minuto lang huminto na din kami at napatingin sa estraktura na kaharap namin masasabi ko lang wow talaga .Pansin nyo knina pa ako na papawow haha walang basagan ng trip.as in maganda talaga napakaluwang at napakataas bali may tatlo itong pintuhan sa harap at may mga flags ng pilipinas syempre. At sa taas may naka lagay na PALACIO DEL GOBERNADOR sa pagkakaalam ko ito ang parang malacanang nila noon kung saan dito yung office nang namumuno or i just say spanish governments.at nagsimula nang ipaliwanang ng tour guide namin ang dapat naming malaman tungkol sa PALACIO DEL GOBERNADOR hindi kami halos makapag usap nila almiracle sa sobrang focus ung atensyon namin sa tour guide namin.at napatingin ako sa gawi nila lucas himala nakikinig din sila sabagay hindi lang naman siguro bulakbol ang alam nila sa buhay .bumaba yung tingin ko sa kamay ni lucas at agape na magkahawak.Good for them at inalis ko ung paningin sa kanila.Sakto ding natapos sa pagsasalita ang aming tour guide.
"Helloo bestfriendss"masayang sambit ng bakla naming kaklase which is racso palagi din namin itong niloloko.
"Yan eh lalapit lang pag may kailangan walang permanenteng kaibigan haha"mapang asar na sabi ni almiracle.
"Aray ko naman syempre sa pahanon ngayon kailangan nyo din makipag plastikan"maarteng saad niya paano kasi lalapit lang sa amin pag may kailangan pag wala hindi yan makalapit.
"Ah sus pag quiz at pagkakain dto ka sa amin,tapos mag kwentuhan sa iba"pranka na sabi ko sakanya kaya natawa sila almiracle pati si racso.
Nagpatuloy ang asaran namin habang naglalakad kami .Hanggang makarating kami sa fort santiago,sa loob nito payapang kang makapag lakad may garden at lily pond sarap sa pakiramdam madami din makikita dito katulad ng rizal shrine museum kung saan pinakita dito ang ibang mga gamit tungkol kay rizal antique ganun.Baluarte de santa barbara,Baluartillo and reducto de San Francisco javier,Plaze de armas etc pero ang umagaw sa pansin ko ang mga dungeons where hundrends civilians and guerillas were improsined,t*****e and executed duri ng the japanese occupation in WWII kusang gumalaw at lumapit doon ang aking mga paa at sinipat ang kabuuan nito may kakaiba akong naramdaman hindi ko mawari kung ano.. isa din itong lugar na to ang nakasaksi kung gaano kalupit ang mga nasapit ng mga nakakulong dito puno ito nang alaala na masakit at dahas.
Pagkatapos namin doon naglakad ulit kami sa next destination namin hindi ko gaanong narinig kung saan ito paano naman kasi napakaingay ng mga kasama ko hanggang huminto kami mga 30 minutes ata kaming naglakad kaya medyo nakakaramdam na ng sakit ung mga paa ko.
"Students this is CUARTEL DE SANTA LUCIA "tukoy sa amin ng aming tour guide sa sirang building ano naman kaya to tanong ko sa isip ko halatang pinagdaanan na nang panahon.
"Ano kaya yan"tanong ni joceanna.
"Ewan"sumbat ni racso.
"CUARTEL DE SANTA LUCIA as just a ruined building .It was constructed for the Artillia De Montana in 1781.In 1905 it was opened as a military school or the Philipphine Military academy (now in baguio). The building was ruined during word war II." Paliwanang sa amin ng tour guide namin ah soo dito pala nag originate ung PMA sa baguio wow nagpadaan nga ng panahon ngunit nababakas ang magandang kasaysayan nito.
"Students lunch break muna tayo.Exactly 1 magkikita ulit tayo sa harap ng Palacio del gobernador dapat kumpleto kayong lahat ha"sambit ng tourguide namin madami ang natuwa kasi kanina pa sila nagrereklamo na gutom na daw sila 11:50 pm na pala kaya mahapdi na sa balat ung init kaya binuksan namin ung mga payong namin.
Nagkanya kanya muna kami ng mga kaklase namin apat kaming magkakasama ako si almiracle,joceana,racso binagtas namin ung daan patungo mcdo doon. Nalang namin napagdesisyonan na kumain medyo kalayuan pero gora lang.sabi sa inyo eh pag kakain dto si racso pero okay lang naman dahil mababait kami haha nagkwentuhan lang kami about sa study,some stuffs sa huli kalokohan kaya tawa kami ng tawa.
Pagkatapos naming mag order nang kakaini n namin naghanap na kami ng upuan pinili namin ung malapit sa bintana bali katabi ko si racso sa harap namin si joceana at almiracle.Medyo madami na ring tao mostly mga estyudante may ibang kakilala kami tapos the rest taga ibang school.
"Guys may sasabihin ako haha"natatawang sambit ni racso pero palinga linga muna sya sa paligid ano naman kayang tinignan nito pero nang makuntento ito tumingin ulit siya sa amin.
"Ano naman yun at para kang tanga paling linga diyan naghahanap ka siguro ng pogi malandi tong baklang to"sambit ni almiracle at pinaikot ung mata niya ang taray naman this girl.
"Guys alam nyo ba haha may nakapanty na kaklase nating lalake"sabi ni racso na halos mamatay na siya sa katatawa .
Na ikinatigil namin dahan dahan akong humarap kay racso si joceana namin na nabitawan niya yunh salamin niya nag popolbo kasi siya samantalang si almiracle nakanganga dahil sa sinabi ni racso nagreplay pa ung sinabi niya sa utak ko.
Guys alam nyo ba haha may nakapanty na kaklase nating lalake...
Guys alam nyo ba haha may nakapanty na kaklase nating lalake...
Guys alam nyo ba haha may nakapanty na kaklase nating lalake...
Parang sirang plaka na nag paulit ulit sa utak ko at nagkatingan kami nila almiracle at tumawa nang napakalakas halos pagtinginan na kami ng mga tao.
"Hahahahahahhahahahahahahhahahahhahahahhaha"tawa namin napuno ng tawa doon sa loob ng mcdo.
Nang medyo maka recover na kami sa sinabi niya.
"Oyy racso paano mo naman nakita mapanghusga to malay mo brief lang un"sambit ko sa kanya.
"Ay hindi ako tanga teh haha may kulay pink bang brief"diretsyong saad niya sa amin na ikinalaglag nang panga namin what the pink.
"Pink hahahaha paano mo nakita at kailan mo naman nakita" pagtatanong ni joceana na daig pa ang reporter haha.
"Haha nung isang araw un nagkwekwentuhan kayo tungkol sa sinaunang laro tapos ako nakalumbaba tapos nakita ko butas ung gilid ng seda niya haha tapos tinignan ko mabuti kulay pink tapos manipis ung garter iniisip ko hindi naman ganun ung brief kasi medyo makapal din ung garter tapos may brief bang pink dba wla naman"paliwanag niya kami naman hindi na kami maawat sa katatawa sumasakit na ung tyan namin katatawa at halos nasa amin na lahat ung atensyon nila medyo nahihiya na din ako dahil sa kaingayan namin.
"Hala malay niyo wala na talaga siyang maisuot na brief kaya hiniram niya sa nanay siya"sambit ni almiracle na ikinatawa ulit namin tignan mo isa pa tong babaita to.
"By the way sino ba ung tinutukoy mo" saad ni joceana.
"Secret ah ayuko sabihin alam ko naman yang mga bunganga nyo tarabitab"prankang saad niya sa amin parang timang mag kwekwento kulang naman.
"Sino na kasi un di namin sasabihin promise"sambit ko dala na din ng kuryosidad ko.
"Wag niyong sasabihin ah promise"parang batang saad niya.
"Oo sarap mo hambalusin pabitin ka"asik sa kanya ni almiracle.
" Si jake hahahahhahaha oyy wag nyo sasabihin"tawang saad niya sasabihin din pala niya pinatagal niya pa.
"Si jake may gf un eh hahaha gg"sabi ni joceana di ko akalain na si jake kalalaking tao un tapos magsusuot ng panty hay naku haha.
"Sasabihin ko nga sa room sa lunes sabi ni racso may nakapanty daw na kaklase nating lalake"natatawang biro ko sa kanya hhaha.
"Luh wag naman hahahaha gaga ka"sabi ni racso sabay hampas sa akin.
"Syempre pag sinabi ko un haha alam na ni jake na siyang ung tinutukoy ko at magsuntukan kayo haha kawawa ka"biro ko pa sa kanya kaya nagtawanan ulet kami.
Napatigil nalang kami sa asaran nang dumating ung inorder namin at wala nang nagsalita sa amin at agad nilantakan ung pagkain dahil sa gutom.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sources:
Google
Www.positivelyfilipino.com.