Kabanata 32 Pansin kong labis ang tuwa ni Angel habang pinapanuod akong nakikipaglaro sa mga kasama nya. Nagyaya sila biglang mag-tagu-taguan. Naiwan si Angel doon sa labas kasama ang taya na si Kyle. Kasama kong tumatakbo upang magtago ang dalawang batang si Andie at Marco. Pumasok kami sa loob ng hospice. Hihingal-hingal ako, alam kong hindi ko mapantayan ang kanilang pagiging hyper. “My goodness!” Halos hinahabol ko na ang aking hininga. Hawak-hawak nila ang kamay ko. “Doon tayo ate!” excited na ani ni Marco habang tinuturo ‘yung kwarto kung saan nya gusto kaming magtago. “Bilisan pa natin!” sabi naman ni Andie. Muntikan na naming madanggil ang isang nurse. Nahiya ako dahil doon. “Mag-ingat kayo mga bata,” anang nurse. Ang mga bata lang naman ang pinansin nya at binigyan nya ‘to

