Kabanata 40 Nagawa ko ding makapasok ng restaurant na hindi nagpapakuta sa mga reporters sa harap ng resto. Tinulungan ako ng mga kasamahan ko at pinadaan nila ako sa likod. Pare-pareho kami ngayong namomoroblema kung paano at ano ang dapat gawin. “Grabe. Paano tayo nito magbubukas?” nag-aalalang sabi ni Bradley. Suminghap si Cody. “Chef didn’t answer my messages to him. So hindi ko din alam kung anong gagawin natin, alam ko na kaya narito ang mga reporters na ‘yan dahil nagba-baka-sakali silang ma-interview si chef,” bulalas nya. “Hindi kaya ang magandang gawin ngayon ay isara muna itong resto? Mukhang wala naman kasing magtatangkang kumain ngayon, tignan mo ang gulo nga sa labas?” May punto si Andrea sakanyang sinabi. Kasi kung magbubukas kami ngayon ay paniguradong manggugulo lang

