“Sir, sandali lang.” nagmamadaling tinabi ng driver ni Conrad ang sasakyan. Natawag ng pansin niya ang batang naglalakad, nakasuot sa likod ang backpack na mas malaki pa halos sa kanyang katawan. “Dalian mo lang,” sagot lang ni Conrad sa kanyang driver saka pinikit ang mata, sinandal ang ulo sa head rest habang hinahaplos ang ulo ng batang babae na natutulog sa kanyang lap. Simula ng iwan sila ni Lea at maaksidente si Aliah, halos hindi na bumalik ang alaala ni Aliah. Maging si Conrad ay hindi rin maalala nito. Ganunpaman, masaya siya naniniwala na siya ang ama ni Aliah. Mas lalo pa niyang minahal ang anak. Bumalik lang ang memory ng bata, gagawin niya ang bawat hilingin no Aliah. Hindi kagaya noon, si Aliah ang napagbuntunan niya ng frustration sa pag-alis ni Lea. “Sir, pasensya na u

