“Jenny, paki tingnan ang mga bata, Maghahanda lang ako ng hapunan.” agad naman na tumalima ang nanny ni Leandro at sinundan ang mga bata. Iniwan ni Lea si Conrad sa kwarto na kunot ang noo, hinihintay pa rin ang sagot niya. Nang makarecover ay sinundan nito si Lea sa kusina na nagsisimula ng mag takal ng bigas. “I can help, marunong ako magluto.” boluntaryo ni Conrad ngunit hindi siya pinansin ni Lea. Binuksan ni Conrad ang refrigerator at napa-awang ito sa gulat. “Wow, Lea. Wow! Are you going to cook for us?” nakakaloko ang himig ng boses ni Conrad dahilan upang huminto si Lea sa ginagawa at napaisip. Shit! Agad siyang humakbang patungo sa fridge at bigla pasandal niya itong sinara. Ang naalala niya, pina defrost nga pala niya ang ref dahil inimbitahan nga sila sa bahay ni Conrad at

