“LEA, on this day onwards ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Kahit magbago ka pa ng mood araw-araw, maging masungit at matapang, hanggang mahal mo ako, magtitiis ako dahil mahal na mahal kita. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa ating pagtanda at huli kong hininga. We will watch the sunset everyday, hand in hand on our rocking chair. We will watch our grandchildren playing on the grass. Hear them crying and laughing, fighting and reconciling before the day ends. Lea, huwag mo akong iiwan at huwag magbabago ang nararamdaman mo sa akin upang matupad lahat ng pangarap natin. I love you,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Conrad. Katunayan, wala naman siyang hinanda na speech or wedding vows para kay Lea sa araw ng kasal nila. Kung ano ang nasa puso at isip niya ay sasabihin niya ito at ipapan

