“Aliah! B-Buhay ka?” bulalas ni Lea sabay yakap sa dalawang bata. Napaismid naman si Conrad na tila nairita sa sinabi niya. “What are you expecting?” singit ni Conrad saka tinapunan siya ng masamang tingin. “Idiot!” mahina lang iyon pero kitang kita ni Lea kung paano ito sinambit ni Conrad. Wala sa mood makipagtalo si Lea kaya hindi niya pinapansin ang bugnutin na lalaki. Kailan nga ba ngumiti si Conrad? Kailan ba siya pinakitunguhan nito ng tama? Kailan ba siya nito tinuring na babae? Ano pa nga ba ang ini-expect niya sa Conrad Montalban na kala mo hari ng bugnutin at sama ng loob. Umirap lang si Lea saka hinarap ang mga bata. Pinaramdam niya kay Conrad na hindi ito nag-eexist sa kanyang harapan. Mayaman na siya ngayon at kahit kailan, hindi na siya mauuto ng lalaki na minsan ay minah

