Kinabukasan, isinama siya ni Zed sa opisina. Naiinis siya dahil antok na antok pa siya, hindi na lang siya nito hinayaang matulog alam naman nitong late na sila nakauwi kagabi. Sa antok niyang diwa, nakita niya ang mga pagtataka sa bawat madaanan nilang mga empleyado habang nakatingin sa kanila. Nilingon niya ang binatang kasama, pati siya ay nagtaka dahil nakangiti ito sa bawat madaanang empleyado. Wala ang pamilyar na madilim at pormal nitong mukha sat'wing papasok sila sa kompanya nito dati. Ano kayang nakain ng lalaking ito? Bakit biglang tila naging smiling face? "Good Morning Mr. Van." Alangang bati ng isang nasa late 30's na babae. Tila may takot at hiya ito sa mukha. Tinapunan ito ng tingin ni Zed at bahagyang naka-ngiti na tumango. Lumiwanag ang mukha ng babae na tila nakahin

