Nagising si Aki na napaka sakit ng kanyang ulo. Tinignan niya ang paligid, nasa kanyang kwarto siya. Walang nangyari sa'min kagabi? Baka nalasing din siya? Nagulat siya nang may kumatok sa pinto. "Miss Aki please go downstairs. Mr Van, is waiting for you." Tinig ni Mr. Barc ang nasa labas. "I will Mr. Barc, I will just take a quick shower," Sagot niya, at dali-daling nagtungo sa banyo. Ano kayang kailangan ng halimaw? - - - - - - - - - - - - ****************** Pagbaba niya nakita niya si Zed na nakaupo sa dining table, may mga naka handang pagkain. "Eat," he ordered her. Alangan siyang naupo sa isa sa mga upuan sa mahabang table. Minasdan niya ito, gaya ng dati blanko ang ekspresyon nito, tumingin din ito sakanya. "What?!" asik nito sa kanya. Napayuko siya

