"Everyone has gone through something that changed them in a way that they could never go back to the person they once were. " - - - - - - - - - - ************************** "Come with me." Salubong sa kanya ni Zed kinabukasan. Pababa siya pupunta sana siya sa kusina talagang sinadya niyang magpatanghali para sana pagbaba niya wala na ito. Pero bakit nga ba narito pa ito? "Saan?" Kunot noong tanong niya sa binata na nakapamulsa ngayon sa harap niya. "Don't ask. Magbihis kana," Ma-awtoridad na sabi nito sa kanya. Inirapan niya ito. Baka akala nito nakakalimutan na niya pinang-gagawa nito sa kanya kagabi. "Eh kung ayoko?" Masungit na sabi niya sa binata. Nangunot ang noo nito at seryoso pa ding nakatitig sa kanya. "Want me to change your clothes?" Anito na tila di nagbibiro.

