Nagtungo si attorney Paulo sa ospital upang dalawin ang kanyang ama. Marami Kasi siya inasikaso noong mga nakaraan araw kaya ngayon lang siya makaka dalaw sa papa niya. " Kamusta na kayo Papa? " Pangangamusta ni attorney sa kanyang ama. " Mabuti naman nakapunta kana Ngayon. Nabalitaan ko na naman na may bagong biktima." Siryosong sabi ni Judge at tumingin lang sa kanya ang anak. " H'wag niyo ng isipin yun.Magpagaling nalang po kayo" walang emosyon na Sabi ni attorney. " Pwede ba tumigil kana. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kita mapa-pagtakpan" Pakiusap nito sa anak tila biglang naging Siryoso ang mukha ni attorney. " Bakit? Sumusuko na kayo sa akin? Masaya ako pag nagagawa ko ang bagay na Yun. Hayaan niya nalang ako" Siryosong pagkakasabi ni attorney at nakakatakot ang mga t

