Nang marinig ni Elena na may iba pang witness sa gabing inaboso siya ni Gobernador Montero ay lumakas Ang kabog ng dibdib niya. " Ano may iba pang witness? " Nagulat na tanong ni Elena " Noong gabing nakita ko ang babaeng yun na inaaboso ni Gobernador agad Kong nilabas ang phone ko para bidyohan. Pagkatapos nila itapon ang babae ay nag desisyon na ko na umalis pero nakita ko isang binata na naka tago sa likod ng sasakyan, naka tingin lang sa ginagawa nila Gobernador.Hindi ko na siya pinansin ng gabing iyon dahil natatakot ako " Nakatingin ito sa kanyang anak habang nag kukwento Kay Elena. " Ako na bahala sa pagpapa gamot ng anak mo" Siryosong pagkakasabi ni Elena at subrang nagalak ang puso ng lalaki dahil sa kabutihan ni Elena. Samantala, Galit na galit si Gobernador dahil sa nangyari

