TYRONE: PUPUNGAS-PUNGAS akong napabalikwas ng sofa na may nag-doorbell ng sunod-sunod. Naniningkit ang mga mata kong sapo ang ulo na bumangon ng sofa. Dito na kasi ako nakatulog kagabi dala ng kalasingan ko. Nasa mansion naman si Tanner at sila Mommy ang nag-aalaga sa kanya. "Yes?" paos ang boses kong tanong na mabuksan ang pinto. "Ahh! What the fvck!" inis kong singhal na sabuyan ako nito ng malamig na tubig! Malutong itong napahalakhak na ikinabusangot ko at tuluyang nagising ang inaantok kong diwa. "Maligo ka na doon, Tyrone. Sumama ka sa amin ni Isabella sa farm." Anito. "Bakit? Ayoko," ingos ko na ikinabungisngis nito. Naiiling lang naman si Isabella sa likuran nito na nakamata sa amin ng bwisit niyang asawa. "Hurry up, dude. Bago pa magbago ang isip kong isama kita doon,"

