THIRD PERSON POV: NAPAPANGUSO ako habang may hawak na beer at nakamata sa tanawin. Nandidito ako sa balcony ng unit at napapaisip sa mga bagay-bagay. Sa mga nangyayari ngayon kay Bhelle ay kinukurot ang puso ko at inuusig ako ng kunsensya ko. Si Tyrone lang naman ang gusto kong saktan at durugin pero. . . hindi ko naman lubos akalain na magkukrus ulit ang landas nila ni Bhelle at ngayo'y pinagbabayad niya ito sa kasalanang hindi naman nito ginawa. "I'm sorry, Bhelle. It's not my intention to hurt you." Napatungga ako sa beer ko na mapait napangiti na inaalala ang nakaraan. ***** ISA akong kilalang modelo ng bansa. Sa amin kasing magkakapatid nila Zach at Zoey ay ako lang ang pumasok sa mundo ng showbiz. Aminado akong kilala akong babaero o womanizer ng bansa. Wala akong nagiging gi

