Chapter 29

2237 Words

BHELLE: MAGHAPON akong inaapoy ng lagnat. Mabuti na lang at pumasok pala si Tyrone sa opisina nito kaya naiwan akong mag-isa sa unit nito. Halos hindi ako makabangon sa sobrang panghihina ng katawan ko. Nahihilo ako sa tuwing sinusubukan kong tumayo kaya kahit ang magpunta ng banyo o uminom ng tubig ay hindi ko magawa. Nasa sofa lang akong nakabaluktot ng higa. Yakap-yakap ang sarili na nanginginig sa sobrang lamig. Maghapon din akong walang kain dahil hindi ko kayang kumilos. Kaya lalo akong nanghihina dahil walang kalaman-laman ang sikmura ko. "Bumangon ka nga d'yan!" Napabalikwas ako na marinig ang baritonong boses nito na may kalakasan. Pupungas-pungas akong napaupo sofa sapo ang ulo kong kumikirot. "Hindi ka pa nagluluto!?" asik nito. Nangilid ang luha ko na napatingala ditong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD