TYRONE: BUONG magdamag akong hindi nakatulog. Pinagmamasdan si Bhelle na nahihimbing sa tabi ko. Ngayon ko lang kasi ulit ito natitigan ng maigi habang nahihimbing. Nitong mga nakaraang buwan ay pinipigilan ko ang sariling silipin ito kapag nahihimbing na siya. Nagkukulong ako ng silid at sa maghapon naman ay nasa opisina lang ako.. Ang laki na nga ng ibinagsak ng katawan niya. Kahit ang mukha nito ay lumiit. Malalim ang mga mata at humumpak ang pisngi. Namumutla na rin ito na halos mawalan ng kulay ang mukha. Kahit nahihimbing na siya ay kitang-kita ang lungkot, pagod at stressed dito. Na ako ang may gawa. Napapaisip kasi ako sa mga sinaad nito kagabi. Lalo na ang pagbanggit nitong. . . may anak kami. Hindi malabong mangyari ang bagay na 'yon. Dahil plano ko naman talaga siyang buntisi

