CHANDRIA POV Katulad nga nagsabi ng aking kaibigan ay nag-overnight kami sa kanilang bahay dumating naman si Missy at Ash na magkasabay. Wala kaming ibang ginawa kung hindi magkulitan, manood ng netflix at magkwentuhan sa isa't isa. "Ako na ang maghahatid sayo Nicole" nakangiting wika ni Ash kaya napatingin ako kay Missy na umiwas ng tingin. "Hindi na Ash. Kaya ko naman umuwi, si Missy na lang ihatid mo" mahinahon na sambit ko. "Sasabay na lang si Missy sa atin at siya ang una kong ihatid bago ikaw" nakangiting wika ni Ash sa akin. "Tara na Nicole" nakangiting wika ni Missy at naunang sumakay sa passenger seat. "Missy diyan si Nicole" wika ni Ash at sinundan ang aming kaibigan. "May napapansin ka ba?" nakangising wika ni Shaina kaya tumango siya. "Ano na den gagawin mo?" tanong n

