CHANDRIA POV Naalimpungatan ako ng gising sapagkat pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa akin. Kaya naman minulat ko ang mata ko at nakita ko ang braso ni Damon na nakayakap sa akin at ang paa niya na nakadantay sa akin.Nanlaki ang mata ko sapagkat hindi ko akalain na dito siya matutulog sa kwarto ko at mas lalong di ako makapaniwalang tumabi sa akin at yakap yakap ako. Napakagat labi ako sapagkat may iba akong nararamdaman.Pakiramdam ko ang kumpleto ang araw ko kung ganito kaaga ang makikita kong Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha at sinunod ko bawat hulma ng mukha niya gamit ang hintuturo ko.Natauhan ako ng naalala kung anong oras na.Dahan dahan kong tinanggal ang braso ni Damon na nakayakap sa akin at ang sumunod ay ang paa niya. Hinalikan ko ang noo niya bago ako dahan daha

