TBW SERIES2: NINETEEN

892 Words
Hiniram ni Tyron ang owner-type jeep ni Mang Teban upang magpunta sa bayan.Kailangan niya magpunta ng computer shop para magreport sa trabaho at para na rin maitimbre niya ang pinagkakatiwalaan niya pulis ukol sa kaso na hawak niya. "Sa bayan ang punta mo?" anang ni Karen bago pa man niya buhayin ang makina ng sasakyan. "Oo,may importante lang ako gagawin," nakangiti niya tugon rito. "Ganun ba," anito at tila may gusto pa ito sasabihin pero hindi nito masabi-sabi. "Oo,tanda ko pa yung shortcut-tan na tinuro mo para mapabilis papunta bayan," aniya. Iilan lang ang nakakaalam ng shortcut-tan ayon rito. "Mabuti naman kung ganun," kiming nito saad. "Sige,mauna na ko," paalam na niya rito. "Ingat ka," anito. "Salamat," nakangiti niya pagtango rito. Binuhay na niya ang sasakyan at binusinahan ito bago tuluyan pinaandar ang sasakyan. Hindi pa siya nakakalayo ng mag-ring ang telepono niya.Tumatawag si Dave.Binagalan niya ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. "Dave.." tugon niya sa kabila linya. "Nagkausap na kayo ni Debbie?" agad nito tanong. "Hindi pa siya bumabalik rito," dismayado niya sagot. "Ganun ba,sige ako na ang bahala,papunta kami ngayon ni Amelia sa bahay ng mga magulang nila tumawag si Gabbie,may pinuntahan daw ang magkakapatid at hindi siya mapakali parang may gagawin na hindi sinasabi ang mga yun," may pag-aalala nito sabi. Nararamdaman niya ang protectiveness ng kaibigan sa mga kapatid ng asawa nito si Amelia. He smiles."Kuyang-kuya ka na ah!"buyo niya rito. He heard him chuckled."I am.Pulos sila babae dude ang mahirap pa dun they are amazing and beautiful sino bang hindi aakto kuya para protektahan sila,ayoko sila maloko na kung sino at masaktan,"saad ng kaibigan. Napangisi siya.Kaya ganun na lang ang babala nito sa kanila ni Kian.Ayaw nito ipakilala sa kanila ang mga kapatid ng asawa nito.Ngayon alam na niya.Totoo Magaganda ang magkakapatid.Nakita na rin niya ang isa,si Veron.Maganda na madali pa ito pakisamahan,at alam niya hindi magtatagal makikita na rin niya ang iba pa. "Ibang-iba ka na taLaga ,dude..mahirap ka pala maging brother-in law kung sakali," nakangisi niya saad. "Hindi naman,alam kong sila na mismo ang matatakot kapag naging parte na sila ng pamilya ito," makahulugan nito saad. Napangunot noo siya.Lagi may double meaning ito sa ending.Bago pa man siya makareak muli na ito nagsalita. "Saan ka ngayon? Parang sasakyan yang naririnig ko sa background?" usisa nito. "Ah,Oo..papunta ako ng bayan,magrereport ako," tugon niya. "Ganun ba,sige mag-iingat ka alam mong mainit ka na ngayon sa Hernandez iyun," paalala nito. "Don't worry,pinaghandaan ko na yan,alam kong hindi yun magsasawalang kibo,galit na galit siya,he's looks so guilty," tiim-bagang niya sabi. "Sige.Mag-iingat ka,agad mo ako kontakin kapag kailangan..." seryoso nito sabi. Tumango siya kahit hindi nito nakikita."Oo,salamat." Hindi nagtagal nagpaalam na ito at nasa hangganan na siya ng shortcut-tan ng matapos ang tawag. Limang oras ata siya nagbabad sa harap ng computer sa pinakadulo pwesto ng matapos ang pakikipag-usap niya sa kontak niya pulis.Madilim na ng makalabas siya ng shop at doon na niya naisipan maghapunan sa nakita niya karinderya. Nasa daan na siya pabalik ng Farm dahil madilim,naging alerto siya sa paligid niya parang may mali sa paligid.Ganun siya kapag may panganib na nakaamba.Kinuha niya ang baril na nakasuksok sa likuran niya.Nilagay niya iyun sa tagiliran para mas madali niya madukot. Nasa kalagitnaan na siya ng gubat ng may dalawang motor na single ang bigla may humarang sa harapan niya na agad na ikinapreno niya. "Baba!!" sigaw ng isang angkas.May nakatutok na baril sa kanya. "Baba sabi eh!!" nasa gilid na niya ito at nakatutok pa din sa kanya ang baril. Kalmante na sumunod siya rito.Pero hindi niya napaghandaan ang sunod nito ginawa.Hinampas siya nito ng baril at tumama iyun sa gilid ng noo niya na siya ikinahilo niya. Hindi pa man siya nakakabawi sinikmuraan naman siya nito na ikinauklo niya.May humaklit sa kwelyo niya para mapaangat siya sa pagkakatayo. "Handa ka na bang mamatay,Tyron Siegfred? Isang private investigator..una pa lang duda na ko sa pagkatao mo," nakangisi sabi ni Caloy sa kanya. "TaLaga? Bakit? Natatakot ka na bang mahuli sa kasalanan mo?" panghahamon niya rito. "Bakit naman gayun mamamatay ka rin naman kaya hindi na mangyayari yan,Uunahin na kita bago ko isunod si Ms.Debbie ng sa ganun wala ng sagabal sa plano namin ni Ninong," nakangisi demonyo ang lalaki. Tumalim ang kanya mga mata."Hindi mangyayari yan! Bago mo saktan si Debbie,dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko!" Tumawa ito at amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito.Mukhang nag-inuman muna ang mga ito bago siya tinambangan. "Oo naman,mamaya kapag patay ka na hahakbang ako," anito na sabay-sabay na ikinatawa ng tatlo pa nitong kasamahan. "Ulol mo.." asik niya rito.Sinikmuraan siya nito at sabay suntok sa mukha niya. He feel dizzy now. "Takbo! Paglalaruan muna kita bago kita patayin!" malademonyo nito sabi. Hinaklit siya ng isang lalaki para itayo siya mula sa pagkakabuwal niya.Itinulak siya nito. "Takbo! Siguruduhin mong hindi kita matatamaan!" Gustuhin man niya pasabugin ang ulo nito alam niya dehado siya dahil isa lang siya at apat ang mga ito na may kanya-kanya hawak na baril. Kahit nahihilo at nahihirapan makahinga bunsod sa tama niya sa sikmura.Tumakbo siya papasok ng kasukalan at narinig niya nagsitawanan ang mga ito na tila mga baliw. Hindi niya hahayaan na mapatay siya nito,hindi niya hahayaan magtagumpay ang mga ito sa plano nila.Hindi niya hahayaan na masaktan ng mga ito si Debbie. Hindi,hindi..kahit anong mangyari mabubuhay siya para protektahan ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD