KABANATA 2: THINGS HAPPEN UNEXPECTEDLY

3304 Words
Pagdating namin sa kanilang hide-out, bumungad sa akin ang napakaraming mga pagkain, alak at klase-klaseng mga chocolate, at hindi lang iyon, mayroon ding isang tent na puno nang mga balloons,roses, chocolates at magagandang ilaw na may mga ibat-ibang kulay na siya namang nagbibigay lalo nang kagandahan sa karagatan. "Ang ganda namang pagmasdan nang dagat” ani ko sa sarili   "Pare!, ‘andito kana pala” "Oi pare! Ganda nang kasama mo ah!” "Cheers”. Ilan lamang sa mga boses na naririnig ko malapit sa dalampasigan. Habang papalapit kami sa kanyang mga barkada, isang babae ang lumapit sa kaniya. "Aldrin, long time no see, kumusta ka?” sabi ng babaeng papalapit sa kaniya, sabay halik sa pisngi, at sabay akbay naman ni Aldrin sa kanya.   “By the way guys private teacher ko.” Pakilala niya sa akin.   "Hanep ah!, ganda naman pala nang Miss A. mo pare!” sabi naman nang isa pa niyang barkada. Habang nagsasayahan sila napaisip ako bigla kung bakit kilala ako nang mga kaibigan niya at bakit alam nila na Miss A ang tawag sa akin nang spoiled brat na ‘yon. Habang masayang-masaya ang kanyang mga barkada, kitang-kita ko sa mga mata ni Aldrin ang halong lungkot at pagka-dismaya, na tila may hinahanap at hinihintay. At obvious na obvious sa kan’ya ang pagka-balisa at hindi mapakali sa kanyang kina-roroonan, hanggang sa lumapit ulit ang babae na humalik sa kanyang pisngi kanina." "Aldrin, okay ka lang?” tanong nang babae.   "Okay lang ako, huwag n’yo akong intindihin, okay? Magsaya tayo guys, cheers!” pa-sigaw na sabi ni Adlrin sa kan’yang mga barkada.   Habang nag-iinuman sila ay may biglang tumawag sa private cellphone ni Aldrin na siyang hawak-hawak ko, Agad ko namang binigay ito kan’ya.   "Sir, sir! Excuse me po, mayroon po kayong tawag sa private phone nyo!” pasigaw kong sabi sa kan’ya.   "Sagutin mo! At baka si Chairman ‘yan! sabihin mo nag-start na ang training! Doon ka sa sasakyan ha para hindi niya marinig ang ingay mula rito!” pasigaw n’yang sambit habang humahalakhak. At no’ng papunta na ako sa may kotse nang chairman para sagutin ang tawag mula sa kabilang linya ay bigla nalang na-off ang kanyang phone,dahilan nang hindi ko nasagot ang tawag, kaya no’ng pinaalam ko kay Aldrin na na-off ang kanyang phone agad naman niya akong inutusan na e-charge muna ito sa sasakyan. Sa mga sandaling iyon,hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa loob nang sasakyan,kaya pagka-gising ko dali-dali kong binuksan ang power nang cellphone ni Aldrin sa kadahilanang baka ang chairman ang tumawag kanina. At nang na-ON ko na, kitang-kita ko ang napakaraming mga text messages, at dahil kakagising ko lang nang time na yon,aksidente kong nabasa ang mga messages na para sana kay Aldrin." “I'm sorry honey, pero kailangan na talaga nating mag break!” "Sorry kung hindi ako nakapunta d’yan ngayon, alam kung fifth year anniversary natin, pero sorry talaga!” Ilan lamang sa mga messages na nabasa ko sa kanyang phone sa mga oras na’yon. Tatawagan ko sana si chairman para ipaalam na safe kaming nakarating sa aming pinuntahan pero nang makita ko si Aldrin na papalapit papunta sa sasakyan, at dahil sa takot ko na baka magalit siya dahil binasa ko ang mga messages na para sana sa kan’ya, ang ginawa ko ay nagtulog-tulogan nalang ako at nilagay ko ang phone niya malapit sa window nang sasakyan para madali niya itong makita. At no’ng binuksan na ni Aldrin ang pintuan nang sasakyan ay agad naman niyang nakita ang phone at kinuha niya ito. Matapos niya itong kinuha ay agad na siyang bumalik sa kinaroroonan ng kan’yang mga barkada ng bigla itong huminto sa kanyang paglalakad, no’ng unti-unti ko siyang sinisilip sa side mirror ng sasakyan, kitang-kita mismo nang dalawang mga mata ko ang pagpatak ng kan’yang mga luha. Dali-dali siyang bumalik patungong sasakyan at doon siya sa may gilid nang gulong nakaupo malapit sa kinaroroonan ko! rinig na rinig ko ang pag-iyak niya sa mga sandaling iyon. Three hours later, unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga barkada ni Aldrin papunta sa kani-kanilang mga rooms, at siya naman ay pumunta sa may tabing-dagat kung saan nan’don ang tent na may mga balloons, roses at chocolates. At habang papalapit ako sa kan’ya ay napansin din n’ya pala ako. “Miss A, gusto mo bang uminom?” alok niya sa akin, na tila hindi mo na masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kalasingan.   "Sir, lasing na po kayo, tama na po iyan, mabuti pa matulog ka muna.” sabi ko sa kanya.   “Alam mo ba kung bakit ako nandito ngayon Miss A? Ha? Alam mo ba?! Ang tent na ito!” sambit nito habang tinuturo nito ang tent. “Itong lahat na nandito sa tent na ito ay pa-surprise ko sana sa kan’ya. Alam mo mo ba, kung bakit ako nandito ngayon?! alam mo ba kung bakit? dahil dito!” singhal niya habang nakaturo ito sa kaniyang dibdib. Sa mga oras na iyon, habang pinakikinggan at tinitingnan ko siya, tila may kaunting kirot akong nararamdaman na sa tanang buhay ko hindi ko pa nararanasan. Awang-awa ako sa kan’ya nong time na ‘yon, habang humahagulgol siya bigla ko siyang nayakap at tinapik-tapik ko ang mga balikat niya. At habang kayakap ko siya bigla namang tumibok nang malakas ang aking dibdib,ewan ko kung bakit! Basta ang alam ko lang ng mga sandaling iyon ay ma-comfort ko siya ng maibsan ng kaunti ang lungkot na nararamdaman niya. Dahil sa sobrang kalasingan ni Aldrin no’ng time na ‘yon, hindi na niya maitayong mag-isa ang kanyang mga paa, at dahil hindi ko kabisado ang resort at sa takot na rin na kapag sa sasakyan ko siya patulogin ay baka pag-tripan pa siya nang mga hindi namin kakilala. Kaya naisipan ko nalang na mag book nang room para sa kan’ya at para makatulog na rin siya nang maayos. Papunta na sana ako roon sa front desk para mag inquire nang available rooms ng biglang may sumalubong sa akin na isang lalaki na naka uniform na kapareho ng uniform ng mga employees ng hotel doon na nasa resort. "Excuse me po ma'am, I'm Alex, resort and hotel manager po rito. Ito po pala ang susi nang room ninyo.” sabi niya, sabay abot ng susi sa akin.   "Thanks, pero nagkakamali po kayo sir, actually papunta pa ako sa front desk para magpa book nang room.” Sabi ko sa kan’ya   "Sa’yo po talaga ang room na ‘yan ma'am, actually for VIP po ang room na’ yan, and exclusive lang din po iyan for CEO at ‘yong katabing room niyan ay para lang din po kay Mr. Chairman” pa-smile n’yang sabi.   “Actually po ma'am, sila rin po may-ari nitong resort at hotel. Si sir Aldrin po ang CEO dito, After po nang klase niya ay dumideretso siya rito at naka-duty din po siya every night, kaya no’ng sinabi po niya kaninang umaga na makakasama niya ang Private Teacher niya pina linis po niya agad sa amin ang room niya. This way po tayo ma'am, ihahatid ko po kayo sa room..” pangiting wika niya. Habang patungo kami sa VIP room napatanong ako sa manager. "By the way sir, paano po si sir Aldrin?  Hindi na kasi siya makatayo ng maayos dahil sa kalasingan,” ani ko sa kanya.   "Nandoon na po si Sir Aldrin sa room ma'am” pa-smile na sagot niya sa akin At nang marating na namin ang VIP room, laking gulat ko nang makita ang loob nito dahil sa sobrang ganda at sobrang laki ng room niya. Kaya hindi ko na namalayan na may ini-instruct na pala sa akin ang manager. "Ah, ma'am, excuse me po, ito nga pala mga damit niyo, nandiyan na din po lahat ng mga kakailanganin ninyo sa loob” wika niya, sabay abot ng mga paper bag sa akin. At no’ng umalis na ang manager agad-agad kong binuksan ang paper bag, at laking gulat ko nang makita ang nilalaman nito. "Bakit kaya ang daming damit at pantulog dito, at mayroon pang mga lotion, shampoo, conditioner!” sambit ko sa sarili. At habang kinakalkal ko pa ang ibang mga paper bag laking gulat ko nang makita ang ibang laman, “What? Panty at bra!, at saka bakit kasyang-kasya sa akin ang mga ito.” Pagulantang kong sabi sa sarili. After kong in-arrange ang mga gamit na nasa paper bag ay naligo na ako, Habang nasa banyo ako, iniisip ko nalang na baka ang mga panty at bra na nakalagay sa paper bag ay para sa kanyang girlfriend. Sa kalagitnaan nang madaling araw (around 3:30 a.m) bigla akong nagising mula sa aking pagkatulog.   “Honey!  Please huwag mo akong iwan! Please, honey!” pasigaw na sambit ni aldrin habang nakapikit ang mga mata nito. At dahil sa takot ko na rin na baka bangu-ngotin siya, dali-dali ko siyang nilapitan sa kanyang bed, " Sir, sir...gising po, binabangungot po kayo!” sigaw ko. Dahil sa ayaw pa niyang gumising at patuloy pa ring nag-sisigaw tawag ang pangalan nang kangyang girlfriend, sa ‘di sinasadya bigla ko siyang nasampal dahilan ng kanyang pag-gising, at no’ng nagising siya ay bigla niya akong niyakap at sabay hagulgol na animo’y parang isang bata na iniwan nang isang ina. Habang umiiyak siya no’ng time na iyon, napansin ko ang sobrang init ang kanyang katawan. “Sir, ba't parang ang init niyo po? Taas nang lagnat niyo ah, saglit lang po ha kukuha lang ako nang bimpo para mapunasan ka at ng maibsan po ang lagnat ninyo” pasimple kong sabi sa kan’ya. At dahil kompleto sa gamit ang loob nang room, hindi na ako nahirapang naghanap ng basang bimpo at yelo. " Sir, pupunasan ko lang po kayo ha.” Wika ko. At habang pinupunasan ko ang mga kamay niya, napansin ko ang isang sugat sa kanyang kamao. "Sir, kailangan po nating linisan ang sugat mo baka ma infection po kayo niyan” sabi ko.   “Huwag mong alalahanin ‘yan Miss A, baliwala lang ang sugat na ‘yan unlike sa sakit ng sugat na nandito sa loob”  wika ni Aldrin sabay turo sa dibdib nito. At dahil doon sa sinabi niya, sumikip na naman ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. "Sir, mas importante po ang kalusugan n’yo at kapag nagka-infection ‘yan, anytime puwedi kang magkasakit.” paliwanag ko sa kan’ya. Sa mga sandaling iyon, tahimik lang akong pinupunasan ang mga kamay, braso at noo niya nang biglang hinubad niya ang kanyang polo. Habang hihubad niya dali-dali ko namang tinakpan nang mga kamay ko ang aking mga mata. " Miss A, Miss A!” sigaw niya sa aking pangalan, “Hoy, Miss A! anong ginagawa mo? punasan mo na rin likod ko!” wika niya. Kina-umagahan pagka-gising ko, laking gulat ko, pagdilat ko nang aking mga mata ay mukha agad ni Aldrin ang aking nakita! Hindi ko namalayan na magkatabi na pala kaming natulog at dahil sa aking pagka gulat bigla akong napasigaw at nasipa ko siya dahilan nang pagkahulog niya sa kama. "Aray! Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba ako sinipa? Aray ang balakang ko!” pangiwing sambit niya sabay hawak sa kanyang balakang.   Dali-dali ko siyang nilapitan at hiwakan ko ang mga kamay niya para tulungan siyang makatayo, at nang patayo na sana kami, my god! bigla akong na dis-balansi na siya namang dahilan nang aming pagkatumba sa sahig! At sa ikatlong pagkakataon nagka dikit nanamang muli ang aming mga labi. At sa pagkakataong iyon mas lalo pang lumakas ang t***k nang aking dibdib! Titig na titig si Aldrin sa aking mga mata no’ng time na’yon, at hindi ko rin maipagkaila sa aking sarili na habang nakatitig siya ay ganoon din ako sa kan’ya! At nang itulak ko sana siya para makaalis siya sa ibabaw ko,ay mas kinabig pa niya ang mga kamay ko at nilagay sa bandang dibdib niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap niya sa akin, at dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon,pinabayaan ko nalang siya at pinagkatiwala ko nalang sa kan’ya ang lahat!. Wala na akong maisip sa mga oras na iyon, at sa hindi na namang inaasahang pangyayari,  I totally lost my virginity that time, at sa taong hindi ko pa masyadong kakilala. Tanghali noon, nagising ako mula sa aking pagkatulog ng dahil sa sikat ng araw na nagmula sa may bandang bintana ng room ni Aldrin, mula sa bintana tanaw ko ang napakagandang tanawin nang buong resort. Habang tinatanaw ko ang beach view, nakita ko si Aldrin malapit sa may dalampasigan na may kasamang babae! hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam nang kaba sa mga oras na iyon, kaya ang ginawa ko, nag shower na ako at pagka-bihis ko dali-dali na akong bumaba. At nang pagka-baba ko napansin pala ako nang manager at tinawag niya ako. "Have a good day po ma'am, kumusta po ang stay ninyo sa hotel?” tanong nang manager sa akin. "I’m good, thank you for your nice accommodations” pa simple kong sagot   "Hinahanap nyo po ba si Sir Aldrin? nandoon po siya sa beach ma'am kasama po niya ang fiancee niyang si Ms. Kaye, kilala niyo na po ba siya?” wika niya. Biglang gumuho ang aking mundo ng marinig ang sinabi ng hotel manager, sakit na hindi ko maintindihan at kirot na nagmumula sa aking puso. Nang dahil sa nalaman ko, dali-dali na akong umalis, at hindi na ako nagpaalam pa kay aldrin.   ONE WEEK AFTER. "Nandito na ulit si Miss Sungit!” "Buti pa si Miss Sungit, na solo niya  apo ng Chairman!” Iilan lamang na mga boses na naririnig ko mula sa mga estudyante no’ng mga oras na iyon habang akoy naglalakad patungong office. Isang Linggo na ang nakaraan simula nang may nangyari sa amin ni Adlrin, and after no’n ay hindi pa ulit kami nagkita, nabalitaan ko na mayroon silang bagong open na hotel na malapit din sa pinuntahan naming resort. Dalawang buwan na ang lumipas, hindi ko pa rin nasilayan si Aldrin sa paaralan. Hanggang sa isang araw sa may lobby nang school ay agaw pansin sa akin ang mga sigaw at ingay ng mga estudyante. "Ang gwapo talaga niya!” "Oo nga mas lalong gumwapo si Sir!” Habang pinariringgan ko ang mga hiyawan nang mga estudyante ay dali-dali akong lumapit sa kanila at nang pagtingin ko, Bumungad sa aking harapan ang napaka-guwapong si Aldrin. At no’ng nakita niya ako ay ramdam ko na nakatitig din siya sa akin, at dahil doon muli ko namang nararamdaman ang pag t***k nang aking puso, at sa mga oras na iyon ay mas lalo pang lumakas! Gusto ko siyang lapitan at yakapin sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ay miss na miss ko na siya. Ilang sandali ang nakaraan ay mas lalong lumakas ang hiyawan nang mga estudyante na siya namang ikinagulat ko. "Miss Kaye! wow ang ganda niya!” Pagka rinig ko nang pangalang Kaye ay napalingon ako sa kanila, at hindi nga ako nagkamali! Ang miss Kaye na tinawag nang mga estudyante ay siya ring Miss Kaye na nakita ko sa resort nila Aldrin no’ng time na ‘yon, ang Miss Kaye na fiancee ni Aldrin! At dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko na namamalayan na nakarating na pala ako sa aming bahay, at nang pagbukas ko nang aming pintoan nandoon pala lahat nang aking pamilya, "Oh bunso nandito kana pala, teka! Ano na namang nangyari diyan sa mga mata mo ha? Huwag mong sabihing may demonyong alikabok na naman ang pumasok diyan.” Pabirong tanong ni kuya. "Okay lang po ako kuya, may naka-alitan na naman ako diyan sa daan kanina.”Pasimple kong sagot. Habang nagpapahinga ako sa kuwarto, biglang pumasok si nanay at umupo sa tabi ko.. "Nak, halika nga dito” sabay yakap at halik ni nanay sa buhok ko. “Okay ka lang ba? Kahit hindi mo sabihin kay nanay alam kong may masakit dito” sabay turo ni nanay sa dibdib ko.   "Nay? masakit po ba ang magmahal? Bakit kayo ni tatay ang saya-saya niyo, tayo, masaya naman tayo di ba? Bakit sa akin ang sakit?” pahagulgol kong amin kay nanay.   "Nak, hindi mo mararanasan ang isang pagmamahal kung hindi ka makakaranas nang sakit. Kami no’ng tatay ninyo, bago kami napunta sa ganitong sitwasyon marami ring sakit at sakripisyo ang dinanas namin, hmmm? sino ba kasing masuwerting lalaki ang iniiyakan nang Prinsesa namin ha?” pangiting sabi niya. At dahil sa sinabing iyon ni nanay ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kaya simula no’ng nalaman na nang pamilya ko ang nangyari sa akin ay palagi na akong hinahatid-sundo nang aking mga kuya. Pero ang hindi lang nila alam na ang lalaking iniiyakan ko ay anak nang may-ari nang unibersidad na pinagtatrabahuan ko. Araw nang lunes, hinatid ako ni kuya sa school at noong pa-parking na sana si kuya ay bigla nalang may isang sasakyan na muntikan nang mabundol si kuya! "Walang hiyang taong ito ah! hoy! kung gusto mong magpakamatay huwag mo kaming idadamay hayop ka! “ pasigaw na sambit ni kuya. At nang lumabas ang driver, laking gulat ko no’ng pagbaba niya, bumungad sa akin ang mukha ni Aldrin. "Hoy!  Ako pa ngayon may kasalanan, ha! Hindi ka ba marunong magbasa! No parking nga eh! tapos haharang-harang iyang sasakyan mo! paki-turuan mo ngang magbasa ‘yang boyfriend mo Miss!” pasigaw na sagot niya kay kuya sabay tingin sa akin.   “Bastos ‘to ah! hoy!” sigaw ni kuya Elton sabay turo kay Aldrin. "Hayaan mo na kuya, huwag mo nang patulan” sabi ko kay kuya Ethan. At nang nakaalis na si kuya ay dali-dali na akong pumasok sa school, dumiretso muna ako sa library dahil isasauli ko ang ibang mga books na ginamit ko sa pagtuturo kay Aldrin. At nang papasok na ako sa library. "Lakas din ng loob nang boyfriend mo no?” wika ni Aldrin habang nakatayo sa aking likuran.   "Ano ba pinagsasabi mo d’yan! hindi ko boy,” wika ko, hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.   “Hello honey, napatawag ka?” sabi niya sa kabilang linya, sabay tingin sa akin. Hindi natapos ang pag uusap nila sa phone nang biglang, "Anong honey pinagsasabi mo d’yan! ano na namang kalokohan pinag-gagawa mo ha, Aldrin?“ wika ni Mr. Chairman, habang kinukuha nito ang cellphone ni Aldrin.   "Walang hiya batang ito, oo. Bakit honey nanaman ang naka-phonebook nang number ko rito sa phone mo ha?” pasigaw na tanong ni chairman.   "Magandang umaga po Mr. Chairman” bati ko sa kan’ya. Pagkatapos ibinalik ni chairman kay aldrin ang kanyang phone ay agad naman itong umalis. "Ah sir, excuse me po ha pero kailangan ko nang pumasok sa library, kailangan kong ibalik mga books na hiniram ko” sabi ko. “At sir, pwedi na po kayong bumalik sa office niyo, baka pagalitan pa kayo nang “Honey” ninyo” pabiro at ngiting sabi ko sa kan’ya.   " Miss Ana!” sigaw niya, hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sinarado ko na ang pinto nang library. -ipagpapatuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD