Habang hinahalikan ni Aldrin si Kaye sa harap ni Ana ay, "Tseh! Akala niya siguro magseselos ako!" padabog na sambit ni Ana sa kan'yang sarili. Gabi na nang matapos ang kanilang games, kaya sa sobrang saya at excited ng mga empleyado ay hindi na nila naisipang magpalit ng mga damit, kaya sabay-sabay na silang nagtampisaw sa malinis at malamig na tubig ng dagat. "Sam! Halika, dito tayo dali!" masayang tawag ni Patty kay Ana. Habang masayang naliligo sina Ana at Patty at ang iba pa nilang mga kasamahan ay palihim namang nakamasid sa kan'ya si Aldrin na nakaupo sa isang madilim na cottage na malapit lang sa kanila. Maya-maya pa ay, "Aldrin! Bakit ka nandito, hindi ka ba maliligo?" wika ni Kaye, na siya namang ikinagulat si Aldrin sa biglaang pagdating ni Kaye sa kan'yang kinaroroonan.

