“ALDRIN! Halika nga rito! Bakit gan’yan ang mukha mo, ha? Hindi ka ba masaya sa pagbabalik ko?” nakangiting wika ni Mrs. Lee. "Mama!” hagulgol na sambit ni Aldrin, sabay yakap sa ina. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na magaling na pala kayo?” aniya. "Kailan pa kayo nakatayo, ha?” patuloy na wika ni Aldrin. "Anak, kaya hindi ko sinabi sa ‘yo dahil gusto kong sorpresahin kayo ni papa. At nakiusap din ako kay Sam na huwag sabihin sa ‘yo" paliwanag ni Mrs. Lee. "Ibig ninyong sabihin matagal na rin ‘tong alam ni Sam?” nagtatakang wika ni Aldrin. "Wow ha! Bilib na talaga ako sa babaeng yun, ang galing magtago ng mga sekreto!” seryosong tugon ni Aldrin. "Anak, huwag mong pagsalitaan ng gan’yan si Sam, at saka wala naman akong nakitang masama sa kan’ya, ah!” sambit ni M

