KABANATA 48 BLAKE It’s my second day as the acting CEO of our company. Nag-heavy breakfast ako kaninang umaga kaya wala pa ‘kong gana mag-lunch. Mas Ganado akong magtrabaho kesa kumain. “Knock, knock!” Nakasilip na si Mela sa bahagyang nakabukas na pintuan ng office ko. “Why are you here? Hindi ka ba magla-lunch?” tanong ko habang papasok siya. “Nakakahiyang kumain kung ganyan kasipag ang boss ko.” Naupo siya sa harapan ng table at may inalapag siya na paperbag sa ibabaw ng table ko. “Here. I bought us some lunch. Sandwich and juice.” Isa-isa niya itong inilabas. “Wala akong gana. Ang dami ko pang babasahin.” “No. Hindi pwede.” Tumayo siya at kinuha ang mga files na nasa harapan ko at inilapag niya sa gilid ng table ko. “You need to eat. Relax, Blake. Hindi babagsak ang kumpanya

