KABANATA 62 TINA Nakaupo ako sa harap ng salamin at nagpapatuyo ng buhok dahil katatapos ko lang maligo. Naka-silk na pantulog ako na kulay puti. Manipis ang tirante nito at hanggang sa gitna ng hita ang haba. Isa ito sa mga damit na binili sa ‘kin ni Blake. Mababa ang neckline nito kaya napatingin ako sa dibdib ko. Wala akong suot na bra kaya napatanong na naman ako sa sarili ko. Maliit ba talaga? Ibinaba ko sa tokador ang hairdyer at tinanggal sa pagkakasaksak. Nagsuklay muna ako ng buhok bago ako lumapit kay Blake na nakaupo sa harap ng office table at may mga papeles na binabasa. Tumayo ako at naglakad papunta sa likuran niya at humawak ako sa magkabilang balikat niya. “Blake…” May bahagyang paglalambing sa boses ko. “Yes, babe?” tanong niya habang may mga hawak na papel. Sagli

