KABANATA 54 BLAKE Dahil sa company outing, I was able to relax and enjoy my time with Tina, but after that, balik na naman sa trabaho. Meetings with the board and some potential clients, and a lot of documents na kailangan basahin at pirmahan. Sa maghapong trabaho, si Tina lang ang nakakapag-alis ng pagod ko. Makita ko lang siya sa screen ng phone ko masaya na ‘ko. “Mukhang pagod ka. Tinititigan mo na lang ako. Pahinga ka na.” Nasa loob siya ng kwarto niya nakahiga sa kama at mag-isa. Wala si Angela dahil nasa sala daw ito at may kausap sa cellphone pero hindi niya alam kung sino. “Few more minutes. I just wanna see your face.” “Blake, pahinga na. Namumungay na ‘yang mata mo.” Pinapagalitan na niya ‘ko, kailangan ko nang sumunod. “Okay. I’ll call you again tomorrow. I love you, babe.

