KABANATA 46 TINA Graduation na nina Blake ngayon. Nang tinawag ang pangalan niya, tumayo agad ako para kuhanan siya ng video at picture. Habang umaakyat siya ng stage sobrang proud ko at gano’n din ang mga magulang niya na kasama ko. Naalala ko ‘yung mga araw na magkasama kami sa library at sa apartment namin at sabay kaming nag-aaral. Ito na ‘yung bunga no’n. Napatingin ako sa daddy niya na nangingilid ang luha. “That’s our son. I’m so proud of him,” narinig kong sabi niya. Dati pangarap lang ni Blake ‘to pero heto na, mula sa bibig ng daddy niya, narinig kong proud ito sa kanya. Tapos na ang graduation ceremony at kanya-kanyang nang picture ng magpapamilya. "Tina!" Mula sa gilid ko narinig ko ang sigaw ni Mia. "Mia! Congrats! Graduate ka na. Kainggit ka." "Ano ka ba? Ne

