"MY GOD! JADE! It's been 24 hours at wala kaman lang talagang paramdam!" Marahas na napabalikwas si Jade mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na tumayo ng mapagtanto kung sino ang pumasok sa kanyang silid. "Bago mo ako sigawan diyan! Uso ang kumatok!" Singhal niya kay Erie. "Eh ano naman ngayon kung di ako kumatok?" "Paano kung nagbibihis ako?" "Nakita ko na lahat yan." Sagot nito na may kalakip na pilyong ngiti. Sinimangutan niya ito, "Bakit ka nandito?" Matabang na tanong niya rito. "Hindi mo man lang ba ipapaliwanag sa akin kung bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? I was waiting for your explanation for 24 hours now!" "Hindi ka naman tumatawag at nagpaparamdam din, kaya patas lang tayo!" Nakataas ang noo na saad niya. "So much for your pride!" Naningkit ang mga mata niya, "

