"KAMUSTA ang pakiramdam mo ganda?" Bungad ni kuya Paul sa kanya. Naroon pa rin sila sa silid niya. 4:00pm ayon sa orasan. "Medyo okay na naman kuya." Medyo nahihiya parin siya sa kuya ni Erie dahil alam niyang may nangyari na sa kanila. "Wala kana ba talagang lagnat?" Si Erie iyon na nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya. Umiling siya. Wala na siyang lagnat. Mabilis lang iyong bumaba. Malamang tama si kuya Paul na natural lang iyon kapag na first time. To think na napakalaki ng kay Erie. At dahil naisip niya iyon ay bahagya pa siyang namula. "Nakakatuwa naman, ang bilis ng mga pangyayari sa Dubai no. Matutuwa ang mga parents natin malamang." Masayang saad pa ni kuya Paul. Natutuwa siya dahil tanggap na tanggap ni kuya Paul ang relasyon nila ni Erie. At napaka luwag nito sa kanilang da

