KUMUNOT ang noo ni Erie. Wala siyang maisip na naging girlfriend niya na maaring lumampas sa pagmamahal niya kay Jade. Ni hindi nga nagtatagal ang mga naging relasyon niya dahil kadalasan sa mga ito ay nagseselos kay Jade. Well hindi naman kase siya masisisi ng mga ito, sila lang naman ang mga nagdi-declare na official na siyang boyfriend ng mga ito na hinahayaan lang niya then eventually magsasawa din ang mga ito at papipiliin siya palagi kung sila na girlfriend niya or si Jade. At ang ending ay walang alinlangan siyang sasagot na si Jade. Kahit may girlfriend siya sa mga nakalipas na taon. Jade has always been her priority. Kaya pinagse-selosan ito madalas. "Remember Caitlin? Alam ko naman na minahal mo siya. Siya lang ang tumagal sa mga naging ex mo." Ramdam niya na may panibughong ka

