PAGKATAPOS nilang kumain. Talagang hindi nagpa awat si Ice sa pag sa-shopping. Ngunit hindi naman para dito ang mga pinamili nito mostly mga laruan ng mga bata and teddy bears. And to think na walang reklamo mula kay Bastie. Halata naman na iniinis ito ni Ice pero naka ngiti lang ang binata. Paglabas nila ng toy store dalawang push cart lahat ng mga pinamili nila. "Good thing ang pick up ko ang dala ko." Ani Bastie. Walang kainis inis sa mukha nito. Si Ice ang higit na naiinis actually. "Sino namang may sabing isasakay yan sa pick up mo?" "Ako." Si Bastie. "Dala ni Jade ang kotse niya at sasabay ako sa kanya." Wika ni Ice. Hindi nito dala ang sasakyan dahil ang balak nila pag uwi sabay sila at ihahatid nalamang niya ito. Ngunit mukhang mag iiba ang plano nila. "Walang dalang sasaky

