MIRAI’S POV Patuloy naming hinahabol ang alagad ni satanas. Nakarating na kami sa kung saan at ngayon ko lang din napagtantong, nandito nan pala ang dalawang may puno’t dulo ng lahat. Pero nangangamba ako, may isang hindi ko kilala ang sumusunod kay Yesha. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung liliko ba ako at susundan ko sya o kailangan kong gawin ang dapat ay ginagawa ni Yuri para sa kanya. “Yuri!” tawag ko. “Oh?” sagot nito. “Si Yesha bantayan mo, may nakasunod pa sa likuran nya na bago lang sa ‘kin,” saad ko at saka sya napalingon. Naka-off kasi ang camera ni Yesha kaya hindi ko rin sya makita. Isa pa ay nasa may likuran namin sya kaya naman nangangamba ako. Narinig ko ang malutong na mura ni Yuri at saka sya biglang naalerto at ako naman ay kinakabahan. Hindi sa mga kalaba

