YUA’S POV Nagising akong masakit ang ulo ko at napahawak ako sa sintido ko. Tinignan ko ang kinalalagyan ko at nangunot ang noo kong nasa k’warto na pala ako. Malamang baka hinatid ako ni Kuya Zian pauwi kagabi. Nang makabangon ako ay napahinto ako saka tumingin sa may table ko at nakita ko ang k’wintas na bigay ni Azi sa ‘kin no’n. Hindi ko inaakalang matapos ang lahat malamang ay ngayon ko lang ito masosuot. Kinuha ko ‘yon saka ako nagtimpla ng kape at nag-asikaso na. Nang makaligo at makapagkape na ako ay saka ko tinignan ang sarili ko sa salamin habang suot ang k’wintas ko. “Tsk. Ngayon lang kita nasuot matapos magka-amnesia ng nagbigay sa ‘yo,” walang gana kong sabi. Bumaba na ako at walang tao. Nakakapagtaka naman ang katahimikan. Hindi ko na lang pinansin at saka ako tuluyang

