CHAPTER EIGHT DEAL ERAH ALERIE (POV) “Ano rin yon?” sagot niya sa tanong ko. Ibang klase rin tong saksakan ng gwapong lalaking ito, Pinoy na Pinoy. Ang sagot sa tanong ay tanong din. “Wow! Huwag mong pairalin sa akin yang tanong na sagot. Sagutin mo na muna ang tanong ko. Sagutin mo ng hindi tanong din. Ano yon?” simula ng pagtataray ko. Sinimulan ko siyang sibangutan at taasan ng kilay. Humalukipkip din ako. “You know…” Hindi ko na siya pinatapos. Alam kong tama ako sa pagkakataong ito. Kunyari pa siyang mabait siya pero nasa loob din naman ang kulo at libog niya eh.“Teka nga lang! Tama ang hinala ko eh! Tamang-tama! Kaya mo ako pinaghintay dito dahil gusto mo rin naman ang alok ko sayo eh! Tapos gusto mo pa akong magpanggap na girlfriend!” “Let me…” “No! I won’t let you! Alam mo

